1.
August 16, 2012
Thursday
Vacant time namin ngayon and I'm currently thinking what frappe should I buy when suddenly a guy bumped me.
"Ouch! Watch where you're going!"
"Sorry, didn't see you there." he said with his sarcastic smile
Hindi ko na lang siya pinansin. I went straight to the counter to place my order.
"One java chip. Grande" I said then paid for it
While waiting to call my name, that same guy bumped into me.
"Seriously?! Do you have to bump me twice?" I said with irritation
"Woah! Sorry there hot stuff. Didn't see you" sagot naman niya
"Are you an idiot? Am I too small for you to see? Or you're just plain dumb?"
Bwisit na 'to! Kanina pa siya eh. Nananadya na 'tong siraulong 'to.
"Hey, I'm not an idiot! I--"
"Java chip for Devin."
"Whatever." ayan na lang ang nasabi ko kasi tinawag na yung pangalan ko
Andito ako ngayon sa mini park ng school at nakaupo sa may bench habang hinihintay yung next class ko.
Someone sat beside me which I don't mind. I don't usually care about the people around me, except for my friends of course, but curiousity kicked in and I looked at who could possibly sat beside me. And to my freaking surprise...
"Are you stalking me?!" It's the freaking same guy who bumped into me twice. And I couldn't careless on why he's here sitting beside me
"Well obviously, I am not. It just so happen that the other benches are full. You should probably look around you." he said then took a sip in his frappe
Well, he's not just an idiot. He's annoying too. I better get going before I make a scene here like earlier.
Pumunta na lang ako sa next class ko kahit ang aga pa. Baka makita ko na naman kasi yung lalaking yon.
Nang makarating ako, wala pa yung mga blockmates ko pati na rin yung ever not so lovable friends of mine.
Inuubos ko na lang yung frappe ko habang naghihintay na magtime.
"Hey there pretty! Ang aga mo naman." sabi ni Paul
There. Dumating na din sila. Iniwan kasi nila ako kanina. Bwiset.
"Oo nga. May milagro bang naganap?" sabi pa ni Ashley
"Walang milagro. Wala lang akong matambayan kanina kasi may mga baliw dyan na nang-iwan sa akin." kunyari ay inis na sabi ko sa kanila
"Sorry na girl. Ikaw naman kasi eh. Nag-iinarte ka pa. May papakilala na ngang boys sa'yo si Ash. Sayang, di mo nakita. Ang hot at pogi nila girl!" si Hans
"I told you. Wala akong panahon sa mga ganyan. Masasayang lang yung oras ko." sabi ko then uminom na lang uli ako ng frappe
Bestfriend ko si Ashley at boyfriend naman niya yung pinsan kong si Paul. Si Hans naman, mas babae pa sakin yan. Kapag hindi ako sumasama sa kanila kasi may gusto silang ipakilala sakin, go na go naman yang baklitang yan. Pero kahit may pagkasaltik sila, mahal ko naman yang mga yan.
"Ayan ka na naman sa lintanya mo na yan eh. Bess, give yourself a chance to fall in love again. Wala ng umuubrang mga lalaki sa'yo eh. Di pa man sila nagsasalita, basted agad. O kaya naman binabara at sinusungitan mo lahat ng lalaking makikita at gusto makipag-usap sa'yo. Okay mainlove, Bess. Try mo ulit. If still it didn't work out, try again." mahabang litanya ni Ash
"Bess, ilang beses pa ba nating pag-uusapan 'to? I don't want to. I'm happy with what I have right now. Hindi ko na kailangan pang dagdagan yung problema ko." sagot ko naman
"Sino bang may sabi na isang problema ang mainlove? Inspirasyon nga yon eh. Pwede mo rin maging kalakasan. Magiging problema lang naman yan kung gusto mong mamroblema eh. Naka move-on ka naman na sa kanya diba? Sige na, Bess. Last na 'to. Sumama ka na sa susunod. Ha? Please?" pagmamakaawa niya na para bang sinusumpa kong umibig
"Fine. Just to shut you up." suko na ako. Wala akong magagawa sa sobrang persistent ng babaeng 'to.
"Yes! Narinig niyo yon guys ha? Umoo na si Devin!" tuwang-tuwa siya habang sinasabi yon
"Nice one girl! Hinding-hindi ka magsisisi na pumayag ka!" sabi pa ni Hans
"Pinsan, kaibigan ko naman yung ipapakilala sa'yo ni Ash kaya I assure you na magugustuhan mo." sabi pa ni Paul
Umupo na sila sa kanya-kanya nilang upuan kasi nagsisimula na ring magsidatingan yung mga kaklase namin.
Ewan ko sa kanila. Bahala na. Ngayon lang naman eh. Next time hindi na ako mapipilit nung bruhang yon.
Ayoko na kasing maramdaman uli yung katulad ng dati. Sabi kasi nila, masarap daw ang mainlove. Pero nagsisisi ako kung bakit naniwala ako sa mga sabi-sabi nila.
Maybe being inlove was never meant for me. Maybe... I was meant to be alone. Forever.
***Author's Note
There you go cupcakes. Enjoy reading! :)