Five

23 0 0
                                    

December 10, 2010

"Hi babe!"  tawag sakin ni Vince habang papalapit siya sa bench na inuupuan ko sa freedom park ng school

"Hey! How's the practice game?" tanong ko

"It was okay. Sabi ko naman sa'yo okay lang pumunta don e. Wala tuloy nagchicheer sakin" sabi pa niya na mukhang malungkot siya kasi wala ako at hindi ako nanuod

"Sorry babe. Alam mo namang ayoko sa maiingay na lugar. Baka sumabog ang eardrums ko ng wala sa oras." sagot ko naman na ikinatawa niya

Vincent Madrigal. Gwapo, mestizo, matangkad, matangos ang ilong, varsity player, pinagkakaguluhan ng maraming babae. Nung una hindi ko akalaing gusto niyang ligawan ang isang tulad ko. Nagpapaka 'invisible' na nga lang ako sa school pero hindi ko inaasahang mapapansin niya ako. Ang ultimate crush ko.

February 5, 2010

Isang linggo bago magValentine's day nasa isa sa pinakasulok  na bench ng freedom park ako nakaupo. Nagpapalipas ng oras bago mag next class.

"Hi! Devin, right?" sabi ng isang makisig na boses sa harap ko habang nagaabot ng kamay

Tinignan ko kung sino yon. Walang iba kundi si Vincent Madrigal na crush na crush ko! Oh geez. Feeling ko matatae ako sa sobrang kaba! Ang gwapo gwapo niya talaga! Huhu. Teka, bakit siya nandito? Wait!! Kilala niya ako??!! Alam niya yung pangalan ko?!! OMG!! Kinikilig ako!!!

Ayusin mo sarili mo, Devin! Kumalma ka!

"Uhm. Y-yes. D-devin. You are?" syempre pakeme muna

"Vincent Madrigal. Vince na lang" sabi niya habang nakalahad pa din yung kamay niya

OMG!! Gusto niyang makipagshake hands sakin!! Okay kalma!

"Hi, V-vince. N-nice to meet y-you." sabi ko sabay abot sa kamay niya

Bakit ako nanginginig? Bakit ako pautal-utal? Bakit? Kasi kausapa ko lang naman si Vince! OMG!! Finally! Tapos hawak ko pa yung napakalambot niyang kamay. I'm in heaven!

Pero binawi niya din yon at umupo sa tabi ko. Umupo siya sa tabi ko! Sa tabi ko! OMG! Ang baho ko na kaya? Baka bad breath pa ako. Waaaaah! Hindi ako makakalma! Huhu

"Mag-isa mo lang?" tanong niya kaya nagulat ako at natawa siya

"Why so jumpy?" sabi pa niya na nangingiti na lang

"A-ah. W-wala. Oo. Mag-isa lang ako" sagot ko sa tanong niya

"Samahan na lang kita. Wala akong kasama eh" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya

Oh shet! Ang lapit ng mukha niya! Sobrang nakakasilaw yung ngiti niya. Bakit ka ganyan? Ang gwapo gwapo mo talaga! Iuuwi na kita mamaya! Huhu

Nagiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko kasi kinakaya yung mga titig niya. Para akong natutunaw.

"A-ah. O-osige. S-salamat" sabi ko ng nakayuko

"Ang cute mo!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko kaya feeling ko para na akong kamatis ngayon

Cute daw ako! Couldn't this day get any better? I think I'm inlove!

February 14, 2010

Valentine's Day. Friends na din kami ni Vince. In just a week, close na agad kami. Palagi kaming magkasama nung nakaraang dalawang araw. Minsan makikita ko na lang yung matatalim na tingin sakin nung mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

That Untamed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon