Ang saya ng 'date' namin! Hindi ko ineexpect na mawawala lahat yung naramdaman ko kanina dahil sa simpleng 'date' na yon.
Una, kumain kami sa labas. Akala ko kung saang labas lang na mga fastfood chain. Nagulat na lang ako nung pumasok kami sa isang 5-star restaurant. Hindi man appropriate yung damit namin, hindi ko alam kung paano nagawan ni Vince ng paraan yon. Masaya kaming kumain at nagkwentuhan.
"Okay ka na ba?" tanong niya habang kumakain
"Yes. Salamat ah" sabi ko naman sabay ngiti
"Wala yon. Basta ikaw." sabi niya sabay subo ng pagkain
The whole time nagkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Pagkatapos ng dinner namin, pumunta kami sa park malapit dun sa kinainan namin. Ang ganda nung view! Tapos ang ganda pa nung mga lights na nakapalibot sa mga puno na may heart-shaped papers na nakasabit. Cool! Ang romantic nung aura ng place.
"Devin...may sasabihin sana ako sa'yo." simula ni Vince habang pinagmamasdan ko pa rin yung mga punong kumikislap dahil sa mga nakapalibot na ilaw
"Ano yon?" sabi ko ng hindi pa rin siya tinitignan
"I like you.." diretsong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya
"Ano uli? P-pwedeng paki-ulit?" sabi ko dahil sa bigla
"Ang sabi ko..." simula niya habang unti-unting lumalapit sakin at huminto sa tapat ko
"I like you... And I would like to court you..." sabi niya ng may ngiti sa mga labi
-End of Flashback-
"Devin... DEVIN!!" sigaw ni Hans sa mukha ko kaya natauhan ako
"H-ha? Ano uli yon?" tanong ko na medyo lutang pa rin
"Hindi ka naman nakikinig e! Kanina pa ako salita ng salita dito." reklamo naman ni Ash
"Sorry. Ano na nga yung sinabi mo?"
"Wala! Bahala ka. Di ka nakikinig" sabi niya sabay irap at subo ng pagkain niya
"Ano ba kasing iniisip mo girl? Masyado naman atang malalim" sabi ni Hans na may panunuya sa tingin niya
"Wala wala" pagtatanggi ko
"Sus. If I know, iniisip mo si Papa Lucas!" sabi pa niya sabay tawa na parang kinikilig pa
"Oh stop it. Never in a million years" sabi ko sabay kagat sa sandwich ko
Pagkatapos kumain bumalik na kami sa classroom at nagresume na ang ilang subjects pa na natitira for the afternoon.
Ito na yung time of the day kung saan inaantok na ako at tinatamad na akong makinig sa discussion ng professor. Nakakaantok naman kasi yung boses ng professor namin. Para kang hinehele at kinakantahan ng lullaby...
"Ms. Alcantara.."
Istorbo naman sa pagtulog ko kung sino man yung tumatawag sa akin.
"Ehem... Ms. Alcantara"
Please. I'm sleeping so shut up.
"MS. ALCANTARA!" sigaw ng tumatawag sakin sabay hampas sa lamesa kaya bigla akong napatayo sa upuan ko
"PRESENT!!" sigaw ko kaya natawa yung mga kaklase ko
Shiz. Really Devin?
"Halata naman Ms. Alcantara. Hindi mo kailangang isigaw. As I was saying, what is the solution to this problem?" sabi niya sabay turo sa board na may nakasulat na equation