Twelve

3 0 0
                                    

Lucas' POV

Tuwing naaalala ko kung anong nangyare kagabi, natatawa pa rin ako. Kaya ayoko sanang sabihin kasi masusuntok ako hindi dahil sa nangyare, kundi dahil tinatawanan ko siya. Haha!

"Fine. Ikukwento ko na." Sagot ko dahil wala naman akong choice.

-Flashback

Pagkatapos suotin ni Devin yung sapatos ko, bumalik muna kami sa table namin para masettle yung bills at masabihan na din yung iba na hindi makakapagbar hopping.

"Anong nangyare dyan?" Tanong ni Matt ng makitang akay-akay namin si Devin

"Lasing na 'to. Uwi na tayo. Nakapagbayad na ba?" Sagot naman ni Paul

"Sinong lasing?! Mga baliw! I'm not drunk! I'm completely sober!!" Pagrereklamo naman ni Devin habang umaalis sa pagkaka-akay namin. Nang makaalis siya ay agad siyang umupo.

"You're completely drunk, Dev." Sabi naman ni Andrew habang natatawa

"Shut up, Andrew!" Ganting sagot naman ni Dev na parang susuntukin na si Andrew kaya natawa kami. Bigla kasing natigil sa pagtawa at mukhang kinabahan.

"O siya, magbayad na para makauwi na." Sabi naman ni Matt at pinaghatian namin yung bill

"Dev, saan yung pera mo?" Tanong ni Ashley habang kinakalkal yung dalang maliit na bag ni Devin kanina.

"Andyan lang!" Sagot naman nito habang umiinom pa nung natitirang shots.

"Wala nga e! Lucas ikaw na nga maghanap!" Pinasa naman sakin Ashley yung bag ni Dev at ako na ang naghanap.

"Oy ganda, wala dito." Sabi ko naman at hinablot niya sakin yung bag

"Ang bulag-bulag mo naman e! Ayan oh! Pera yan diba?! Tsk!" Sabi niya habang kinakaway pa sa harap ko yung bente pesos niya at hinahampas pa sa pisngi ko na ikinatawa naman nung iba. Anong mararating nang bente niya? Samantalang 700 each kami!

"Abonohan ko muna. Wala na sa sarili 'to." Sabi ko na lang sa kanila at naglabas nang contribution namin ni Devin.

"Hoy! Shot pa! Ang weak niyo naman e!! Urrrgh--" halos masuka na siya pero pinipilit niya paring inumin yung huling shot.

"Manghingi ka nga nang plastic. Baka magkalat pa 'to dito." Sabi ko kay Andrew habang pinipigilan na uminom si Devin

"Ano ba!! Urrrgh--!!" Hindi na niya kinaya at bago pa makarating yung plastic na pinapahingi ko kay Andrew at sumuka na si Dev sa isa sa mga basong walang laman. Hindi naman napansin nung iba at ako lang ata ang nakapansin. Pagkatapos niyang sumuka ay nilagay niya sa ilalim nang lamesa yung baso at parang tuwang-tuwa pa sa ginawa niya base sa ngiti niyang medyo lutang.

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil baka malaman niyang nakita ko yung ginawa niya. Minsan talaga nasosorpresa ako sa mga ginagawa nitong babae na 'to e. Very unpredictable.

Bigla naman siyang lumingon sakin na may nakakalokong ngiti. She creeps me out pero hindi ko pinapahalata. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang nasa isip nang babaeng 'to.

"Hi Lucas!" Sabi naman niya sa malambing na boses. Kung normal na sitwasyon 'to, matatawa ako e. Pero dahil lasing ang isang 'to, kinakabahan ako.

"What? Uuwi na tayo." Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako sa braso

"Eeeeh!! Ang KJ naman e! Isang round paaaa! Diba magbabar hopping pa? Huhu! Dali naaaaa!! Isa paaaa!!" Pagmamaktol niya habang nagpapacute. As in gumagawa siya nung mga pacute na expressions!! I've never seen Devin like this! Kung hindi kasi poker face, iirapan o susungitan ka!

That Untamed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon