Eleven

1 0 0
                                    

Si Andrew ang huling dumating sa amin. Buti na lang at hindi niya kasama yung ex niya.

"Bat umalis kayo agad kanina?" Rinig mo ang pagtatampo sa boses niya

"Why do you think?" Mataray na sabi ko. Susuntukin ko 'to, e.

"That was Charie. Cheska's twin! Bakit naman ako makikipagkita sa ex ko diba?"

"Seryoso? Yung mabait na kakambal niya yon? Hindi mo kami ginagago?" Hindi naman makapaniwalang tanong ni Lucas

"Oo nga! Pinakita pa niya yung birthmark niya sa batok." May kakambal daw kasi si Cheska. Yung Charie nga yon. Nakita na din nila yung dalawa dati at magkamukhang magkamukha daw talaga yung dalawa. Yung tanging birthmark lang sa batok ni Charie yung nagdifferentiate sa dalawa.

"Takte ka, pre. Akala ko makikipagbalikan ka sa ex mong yun, e. Malalagot ka na sakin, e." Nakahinga naman ng maluwag si Lucas maging si Matt.

I'm still not convinced. Tulad nga ng sabi nila, magkamukhang magkamukha yung dalawa.

May possibility na nagpapanggap yung Cheska na Charie or whatever.

Hindi naman malabong magpalagay ng same birthmark nang hindi nahahalata. Pero hindi ko na lang sinabi at ininom na lang yung pang-apat na shot ko.

"So, okay na? Hindi na kayo galit?" Nakangiti pang tanong ni Andrew

"Yeah. Pero alam mo bang nandito na si Samantha?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya

"Devin!" Saway naman ni Lucas sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Pero nung nakita ko yung pagbabago ng expression ni Andrew mula sa pagkangiti hanggang pagpoker face, alam ko na kung bakit.

"Kelan siya dumating?" Nasa akin lang ang buong atensyon niya at hindi niya pinapakinggan yung pag-iiba ng usapan ng mga kasama namin

"Hindi ko alam. Pero nakilala ko siya kanina lang. Tanong mo si Paul. Sila ni Ash yung kasama kanina, e." Paul grunted and gave me a death glare. I'm not even close to being scared.

"Paul." Seryosong tawag ni Andrew sa kanya

"Later, okay? Sasabihin ko naman, e. Naunahan lang ako ng napakabait kong pinsan. Tsk." Suko niyang sagot kaya hindi na siya kinulit pa ni Andrew

"Daldal mo talaga." Bulong pa ni Lucas kaya inirapan ko na lang

Tinuloy na lang namin yung pustahan at umorder sila ng isang bote ng JD para yun ang iinumin namin pareho ni Lucas.

Nakakasampung shot na kami pero wala pa ring gusto sumuko. Medyo minamanhid na ako pero ayokong magpatalo. Sabi naman ni Paul mas mataas ako kay Lucas, pero bakit parang wala pang tama ang isang 'to? Nalintikan na. Tsk

"Okay ka pa, Dev?" Tanong ni Matt sakin

"Oo naman! Anong akala mo sakin? Weak? E kung suntukin kaya kita? Ano? Tara? Suntukan na lang!" Paghahamon ko dito na ikinabigla niya

"Chill lang, Dev." Sabi niya na medyo natatawa pa.

"She's close to fainting. Tama na, bess." Sabi naman ni Ash. Alam niya kasi kung paano ako kapag lasing na talaga

"Faintingin ko mukha mo, e. Tara sa washroom!" Aya ko tsaka siya hinila paalis sa table

Ginawa ko ang dapat kong gawin pero medyo nahihilo at namamanhid na talaga ako.

"Bess, tama na. Limit yourself. Ang hirap mo kayang alagaan." Pagsasaway ni Ash

"Psh. Kaya ko pa kaya." Sabi ko at naunang maglakad sa kanya. Hindi ko alam kung dahil sa stilettos ko o natalisod ako kaya ako nadapa. Narinig ko na lang yung pagkabigla ni Ashley at agaran niya akong inalalayan.

"Omg! Okay ka lang, bess?" Alalang-alala na tanong niya kaya natawa pa ako

"I'm fine. Hahaha!! OA mo."

"Wag ka ngang tumawa! My gosh! Wag kang magpabigat!" Nahihirapan niyang sabi. Hindi naman ako nagpapabigat, e. Sus. Arte.

"Hindi ako mabigat!!" Sigaw ko naman sa tenga niya

"Gosh. Wala akong sinabing mabigat ka. Wag kang magpabigat! Tsaka wag kang sumigaw sa tenga ko, hindi ako bingi!" Nagrereklamong sabi pa ni Ash habang inaayos yung pag-akay niya sakin.

"Babe!" Rinig kong tawag ni Paul kay Ash at agad ding lumapit sa amin.

"Tsk. Lasing ka na. Umuwi na tayo." Ma-awtoridad na sabi ni Paul pero hindi ako natakot. Ako pa ba?

"Psh. Kaya ko pa nga! Ang kukulit niyo!" Naiinis kong sabi habang inaalis yung pagkakaakbay nila ng kamay ko sa balikat nila.

"Isa! Devin! Ang kulit mo!" Naiinis na sabi naman ni Ash.

"I'm not drunk! Gosh! You guys are over-reacting!" Sabi ko pa habang nagpapadyak ng paa. Gosh. I can't feel a thing. Siguro nga tinamaan na ako. Oh well.

"What happened?!" Natatarantang tanong naman ni Lucas nang makita kami

"Nadapa. Hindi pa raw siya lasing." Maikling paliwanag naman ni Ash

"Take off your shoes." Utos naman ni Lucas na hindi ko sinunod kaya siya na ang kusang nagtanggal nito.

Pagkatapos ay may isinuot siyang sapatos sa akin. Pagtingin ko sa baba ay nakapaa na lang siya habang isinusuot yung isa pang sapatos sa paa ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyare pagkatapos. Ang alam ko ay si Lucas na ang umalalay sakin at mahimbing akong nakatulog sa malambot na kama nang makauwi kami.

Nagising ako na sobrang sakit ng sakong ko at mahapdi yung tuhod ko. Kahit masakit yung ulo ko tinignan ko pa rin kung anong nangyare sa tuhod ko. Nakita kong may malaking sugat dito.

Hindi ko naman magalaw yung kanang paa ko dahil sa sobrang sakit.

Mali ata ang pagkabagsak ko kahapon. Kaya siguro hindi ko na naramdaman dahil minanhid na din ako.

Triny kong galawin nang onti pero napasigaw lang ako sa sakit.

"Aray!! Freaking ugh!!" Pinalala pa ata nang pagtatadyak ko gabi. Bwiset!

Bigla namang bumukas yung pintuan at nakita ko ang natatarantang mukha ni Lucas na halatang bagong gising lang din.

"Okay ka lang?! Anong nangyare?!" Tinuro ko naman yung paa ko at gets naman niya agad

"Kukuha lang ako ng hot compress." Bumaba naman agad siya.

Tinignan ko ang buong kwarto pero wala ako sa kwarto ko. Hindi rin naman kila Paul, Ash or Hans 'to.

Pagbalik ni Lucas ay may dala na siyang planggana at bimpo. Kasabay niya ang isang katulong na may dalang tray ng pagkain.

"Nasan ako?" Tanong ko habang pinagmamasdan siyang dampian ng mainit na bimpo ang paa ko. Nilagay naman ng katulong yung tray sa side table at umalis din agad

"Nasa bahay. Dito na din natulog sila Ash at Paul. Nasa kabilang kwarto sila." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Binaba niya yung bimpo at inabot yung tray ng pagkain.

"Breakfast in bed, prinsesa." Sabi naman niya habang may nakakalokong ngiti kaya inirapan ko lang.

Hinayaan ko lang siyang dampian ng mainit na bimpo yung paa ko at gamutin ang sugat ko. Paminsan-minsan napapa-aray ako sa hapdi nung sugat ko at tatawanan niya lang ako.

"Hindi pala lasing ah. Naaalala mo pa ba mga ginawa mo?" Tanong niya

"Wala akong matandaan. Ang alam ko lang nadapa ako. That's all." Pagkasabi ko nun ay biglang tumawa si Lucas kaya nainis ako.

"Problema mo? Susuntukin kita, e." Sabi ko habang inaamba yung kamao ko.

"Chill, ganda. Naalala ko lang kasi yung mga ginawa mo kagabi. You were hilarious!" Sabi pa niya habang tumatawa kaya tinignan ko lang siya nang masama pero hindi naman siya natinag at patuloy lang na tumatawa.

"Aray!" Sigaw niya nang batuhin ko siya nang unan, dahilan para matigil siya sa pagtawa. Buti nga!

"Para kang bata. Hindi ko na sasabihin. Baka tuluyan mo pa akong masuntok."

"Tsk. Sabihin mo na lang. Masusuntok ka din naman, either way."

That Untamed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon