-Flashback-
January 10, 2011
Nasan na ba kasi si Vince? Kanina pa ako naghahanap hindi ko naman makita. Hindi rin niya sinasagot yung phone niya. Tsk!
Pumunta ako sa likod ng building ng Engineering department kasi baka nandun siya at nakatulog lang. Pag punta ko, wala namang tao. Paalis na sana ako ng may marinig akong magsalita.
"Nice one pre! Talo ako sa pustahan. Napasagot mo din! At ngayon, going strong pa kayo!" rinig kong sabi nung isang lalaki hindi kalayuan doon sa pwesto ko. Hindi ko na sana papansinin kung hindi ko lang narinig ang boses nung kanina ko pa hinahanap.
"Kaya nga pre. Madali lang pala pasagutin yon e. Walang kahirap-hirap." rinig kong sabi ni Vince. Nilingon ko sila at nakita kong may kausap siyang lalaki habang nakaupo sila sa damuhan. Natatakpan sila ng iilang halaman at nakatalikod sakin kaya hindi nila ako napansin.
"Pero pre, chicks talaga yung si Devin ano? Kaya lang parang walang thrill e. Kita mo yun, bumigay agad sa'yo. Try mo kayang ayain na mag-ano. Baka bumigay din!" sabi pa nung gagong kausap ni Vince
"Siguro nga pre. Monthsary namin ngayon e. Sexy e noh? Kaya lang baka magalit si Lizette sakin e" sabi naman nung walang hiyang Vince na yon. So, may alam din si Lizette dito? Kaya pala kinakaya-kaya niya pa rin ako hanggang ngayon?
"Oo nga pala pre. Baka masampolan ka sa syota mo. Haha! Ano bang problema nun kay Devin at ganun na lang ang galit don?"
"Hindi ko alam. Pero okay din naman. At least, nasa akin na yung first kiss nung Devin. Pa-virgin masyado eh." Sabi pa ni Vince
Tangina niya. Walang hiyang gago na to. Umalis na lang ako dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Nang mag-uwian na ay nakita ko si Vince sa labas ng pinto namin.
Lagi siyang nandyan tuwing uwian sa hapon. At lagi niya akong ihahatid pauwi. Walong buwan na ang tinatagal ng relationship namin. At sa walong buwan na yon, sobrang saya ko.
Totoo pala ang sinasabi nilang masaya ang ma-in love. Sa loob ng walong buwan, araw-araw akong inspirado na pumasok, gumawa ng assignments, mag-aral tuwing may quiz at exam. Yung tipong nagkakaroon ka ng dahilan na bumangon ng may ngiti sa mukha mo araw-araw.
Pero may hangganan pala ang lahat ng yon. Darating din pala ang araw na malalaman mong panandalian lang lahat ng sayang naramdaman mo. Dahil meron at merong sisira sa sayang nararamdaman mo.
"Hey babe. Tara na? Saan mo gusto mag-date?" nakangiti niyang salubong sakin pero nilagpasan ko lang siya
"Hey. Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" habol niya sakin sabay hipo sa noo ko. Instinct na siguro na hawiin ko yung kamay niya dahil sa mga narinig ko kanina. Nakita kong nagulat naman siya sa ginawa ko.
"I guess you're tired. Uwi na lang tayo." sabi niya pa saka sinabayan akong maglakad