Two

13 0 0
                                    

After 2 consecutive subjects, uwian na din namin.

"Devin, sasabay ka ba samin umuwi?" tanong ni Paul

"Nah. May dadaanan pa ako sa library."

"Grabe ka girl! Hinay hinay naman! Try to hangout sometimes" sabi naman ni Hans

"I'm good. Sige na, umuwi na kayo."

"We're gonna stop by at the usual place. Sunod ka na lang if you wanna. Andun kami until 6pm, maybe. Bye!" sabi ni Ash at umalis na sila

4:30pm pa lang. Masyado pang maaga para umuwi. Mas mabuting sa library ko ibuhos yung oras ko kesa sa condo ko na wala naman akong magawa. I have limited book resources there, unlike here.

Pagkarating ko sa library ay dumiretso na agad ako sa mga bookshelves. 3 books. That's all I needed for now.

Naghanap na ako ng pwesto ko kung saan walang istorbo. Hanggang 7pm naman bukas yung library so mahaba ang oras ko para magbasa.

I started answering my assignment, too. After that, I read in advance and prepared for a quiz tomorrow.

Hindi ko na napansin yung oras. And it's almost 7pm. I gathered my things na nakakalat sa table. And went to the librarian's desk to return the books.

Nang makalabas ako, sakto namang umuulan. Buti at naisipan kong magdala ng payong. Ayoko namang basa akong pumunta sa kotse ko.

Just when I started the car's engine, someone knocked on my window.

Binaba ko yung window sa side ko. And a young guy, which must be the same age as I was or older, was standing there without an umbrella and just a piece of notebook above his head.

"Sorry miss. Pwede ba akong makisabay? May mga gago kasi nagtanggal ng gulong ko. Hindi ko naman mahanap." 

Inis na sabi niya habang tinuturo yung sasakyan niya na walang gulong sa harap. Sabay baling niya sakin.

"Kung okay lang naman. Hindi kasi sinasagot nung mga gago kong kaibigan yung walang kwenta nilang cellphone. Pero okay lang kung ayaw mo." his words are too much for my liking at talagang nangonsensya pa.

Pero dahil sadyang mabait talaga ako, pumayag na ako.

"Hop in." nasabi ko na lang. Naawa na din ako. Basang-basa na ata siya eh.

Agad agad naman siyang tumakbo papunta sa kabilang side at pumasok.

"Sorry talaga sa abala, Miss." sabi pa niya

"Okay. San ka nakatira?"

"Ahh. Sa ****** condominium."

Napansin kong basang-basa nga talaga siya kaya kinuha ko yung spare towel ko sa compartment.

"Here. Punasan mo sarili mo." abot ko sa kanya ng hindi nakatingin

"S-salamat."

Hindi ko na siya pinansin at tinuon ko na lang sa daan yung tingin ko. 15 minute drive lang naman yung condo niya. Tapos katapat lang din ng condo ko. Buti naman at hindi na ako mahahassle.

Ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin nagsasalita sa amin. Ang tanging ingay lang na maririnig mo ay ang pagbagsak ng ulan at pagpreno ng mga sasakyan.

Malapit na din naman kami. Di ko na kailangan pang magsalita. Masasayang lang ang layaw ko. Isa pa, hindi ko siya kilala at hindi kami close para kausapin ko siya.

"Grabe, antahimik." parinig niya pagkatapos ng ilang sandali pero hindi ko siya pinansin

"Ahh...pwede ko bang buksan yung stereo mo? Ang tahimik kasi eh. Hindi ako sanay." medyo nag-aalangan na tanong niya

"Suit yourself." sabi ko na lang

~Hindi ko maipaliwanag 

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap 

(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)

Paggising ko ikaw ang nasa isip 

Ka-date kita hanggang sa panaginip 

Kasi ikaw ang iniibig ko 

(Ikaw lang at wala ng iba)~

Habang tumutugtog yung kanta, nagsalita na naman siya.

"Ah...ahmm.." yan lang yung lumalabas sa bibig niya

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na." nakakairita kasi

"Ahm...I'm Andrew by the way. Andrew Castillo. And you are?" tanong nito

Sakto, malapit na kami sa condo niya.

"Devin. Devin Alcantara. And we're here." sabi ko ng makapag park ako at sinara yung stereo. Tumingin ako sa kanya na nakatitig lang sakin

"Staring is rude." komento ko while snapping my fingers in front of his face

"S-sorry. S-salamat din. Sige." sabi niya at bumaba na siya at dire-diretsong pumasok sa building nila

Pinaandar ko na yung sasakyan to take a u-turn and went straight to my condo's building's parking lot.

Kinuha ko na yung bag ko sa backseat pagkatapos kong magpark. Nang mapatingin ako sa shotgun seat, nakita ko yung wallet nung lalaking nakisakay sakin kanina.

Sino na nga yon? Andy? Ay ewan. Mukha naman siyang taga school. So, makikita ko din naman siguro siya.

Kinuha ko na lang yung wallet at dinala sa condo ko.

Pagkarating ko sa condo, nilapag ko na lahat ng bitbit ko sa sofa at dumiretso sa kwarto para magpalit.

Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako sa living room at sinalubong ako ng tumutunog kong cellphone.

"Hello?"

(Bess!)

"Oh. Bakit?"

(Bukas na yung usapan natin ha? Lunch time. Sumabay ka na saming maglunch. Hihihi) parang kinikilig pa siya habang sinasabi niya yan

"Para kang tanga. Oo na."

(Hahaha. Maka-tanga ka naman dyan. Sakalin kita eh. Hahaha)

"Kita mo 'to. Sadista ka na, baliw ka pa. Buti natitiis ka pa ni Paul." pang-aasar ko sa kanya

(Tse! Napaka mo talaga! Nga pala, yung buong tropa nila Paul yung pupunta. Nag-insist kasi talaga sila.)

"Okay. May magagawa pa ba ako. Sige na. Bye na."

(Grabe! Atat ka namang babaan ako. Anong oras ka na pala nakauwi? Hindi ka na sumunod kanina. Tapos umulan pa.)

"Bago mag-7pm umalis na ako ng library, NAY. Hindi rin naman po ako nabasa ng ulan, NAY." may halong pang-aasar kong sabi at inemphasize ko pa talaga yung 'Nay'.

(Heh. Tigilan mo ko. Osige na. Magbeauty rest ka na para bukas. Ay! Hindi mo na pala kailangan. Maganda ka na pala talaga *puking sound* Hahahaha!)

"Bwiset 'to! Bahala ka dyan! Bye!"

(Hoy, tek--)

Binabaan ko na siya. Kung anong kalokohan na naman kasi ang sasabihin ng isang yon.

Umupo na lang ako sa upuan at binuksan yung TV.

[It is said that Mr. Harold Alcantara and his beautiful wife, Mrs. Laura Alcantara, will be spending their next years here in the Philippines to---]

Hindi ko na tinapos yung sasabihin nung news anchor at pinatay na lang yung TV. Wala ding magandang mapanood.

Andito na pala sila. What a lovely surprise. They didn't even bother telling me. =____=

***Author's Note 

I'll edit it soon (yung mga dapat naka italicized and such). Can't do it using my phone. But still, enjoy reading. :)

That Untamed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon