Habang tumatagal mas nagiging maayos yung pakikisama ko kina Lucas. Nagiging open na din naman ako sa kanila. Though, every now and then nakakatanggap sila nang pagsusungit at pambabara mula sakin. Sanay na din naman sila.
This would be my last year in college, kaya kailangan kong ibigay yung pinakabest ko. Mas magiging busy kami ngayon. Pero hindi katulad dati na sobra akong naistress kapag napepressure, gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko sila. Kung dati hinahayaan lang ako nila Ash kapag naistress na ako kasi sila ang napagbubuntunan ko ng inis, ngayon si Lucas itong nagpupumilit na samahan ako kahit inaaway ko siya. It's comforting though. Nalelessen naman yung pagkastress ko sa school dahil sa mga trip ng lalaking 'to.
"Devin ganda, tapos ka na dyan?" Tanong niya habang nakatingin sa akin at sa ginagawa kong assignment
"Malapit na."
Kasama ko ngayon sila Lucas at Matt. Yung iba ay may kanya-kanyang gawain. Si Paul at Ash, malamang may date uli. Si Hans, naglalandi. Si Jake, hindi ko alam. Andyan lang yun sa tabi-tabi. Si David, nasa music club. Akalain mong kumakanta pala ang lokong yon. Si Andrew naman, nambababae. Joke lang. May kikitain atang kakilala niya. Ewan ko dun. Sobrang excited nung umalis kanina eh.
Sinarado ko na yung notebook at book ko, hudyat na tapos na ako sa ginagawa ko. Agad naman umayos ng upo si Matt ng makita yon.
"Ayos! Tapos na si ganda. Ano? Tara na?" Aya ni Lucas. Sanay na ako sa tawag niyang yan sakin kaya hindi ko na lang pinapansin. Ako lang din naman kasi ang maasar kapag pinansin ko pa
"Wala ba kayong gagawin?" Tanong ko dito sa dalawang mokong na parang walang kahirap-hirap sa buhay nila.
"Wala naman." Si Matt ang sumagot dahil nauna nang maglakad si Lucas.
"Ganda, gusto mong magkape?" Nilingon kami ni Lucas
"Bat siya lang tinatanong mo?" Pag-iinarte naman ni Matt
"Hindi ka kasi chicks! Ano ganda? Gusto mo?"
"Hindi na. Uuwi na lang ako." Pagtanggi ko.
"Sus. Tara na. Maistress ka lang sa condo mo." Sabay akbay sa akin at sinabay ako sa paglalakad
"Libre mo din ako, pre?" Sumabay din sa paglalakad si Matt
"Chicks ka pre? Chicks? May pera ka naman." Pagsusungit naman ng abnormal na 'to
"Ang sungit mo." Puna ko naman sa kanya na ikinatawa nung dalawa
"Ako pa ha! Pano ka pa diba?" Sabi niya sabay gulo sa buhok ko na sinabayan naman ng pagtawa ni Matt
Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa coffee shop. Ililibre daw kasi ako ng abnormal na 'to. Okay din palang kaibigan 'tong mga 'to, eh. Lagi akong may libre. Joke! Marami na din akong natututunang kalokohan sa mga baliw na 'to. Minsan kapag magkikisabay ako sa mga kalokohan nila, inaasar nila ako.
Pagkarating namin sa coffee shop ay dumiretso na ako sa usual na pwesto namin. Kahit tatlo lang kami, doon pa rin ako umupo sa pangmaramihan. Wala din naman kasing masyadong tao ngayon. Maya-maya pa umupo na si Matt at Lucas dala yung order namin. Sa tabi ko umupo si Lucas habang sa tapat ko naman si Matt.
"Papunta sila Paul at Ash." Balita ni Matt sa amin pagkatapos tignan yung nagtext sa kanya.
"Tapos mo na lahat ng assignments mo diba?" Tanong naman ni Lucas na tinanguan ko lang.
"Edi makakasama ka mamaya?" Si Matt naman ang nagtanong. May balak kasi silang magliwaliw mamaya.
"Not in the mood." Nakakatamad kasi. Tsaka wala din naman akong hilig sa mga ganyan lalo na kapag may involved ng dance floor. At paniguradong pipilitin akong sumayaw nila Hans at Ash.
"Aww. Dali na ganda. Kasama naman sila Ash at Hans e. You won't get bored. Andun din naman ako." Sabi pa ni Lucas sabay kindat kaya sinuntok ko sa braso
"Tusukin ko yang mata mo, e. Ayoko. Pagtritripan lang ako nung dalawang 'yon."
"I'll be your knight in shining armor. Don't worry." Pagkukumbinsi pa rin niya
"No thanks." Tanggi ko naman na ikinatawa ni Matt
"Sama mo talaga." Pagtatampo naman ng baliw na 'to.
"Wag mo nang pilitin. Sila Ash at Hans na ang pipilit dyan." Sabi naman ni Matt kaya binato ko siya nang crinumple ko na tissue na ikinatawa lang nilang dalawa.
Dumating sila Ash at Paul kasama ang isang hindi pamilyar na babae. Halatang foreigner ito dahil sa features niya lalo na yung gray eyes niya.
"Guys, si Samantha pala. Yung bestfriend ni Andrew. Si Matt at Lucas pala kung naaalala mo pa. And Devin, my cousin." Pakilala ni Paul dito
"Hi guys! It's good to see you again. Nice to meet you, Devin!" Bati naman ni Samantha
"You're back for good?" Tanong naman ni Matt dito
"Still undecided. But I'll be here for a few months." Rinig mo ang British accent niya kaya mas lalo ata siyang naging maganda sa paningin ko.
"Bat ikaw ang nagpapakilala? Nasan yung baliw na 'yon?" Nagtatakang tanong ko naman kay Paul. Kasi naman diba, bestfriend niya tapos siya pa yung wala dito
"Hindi kasi alam ni Drew na umuwi ako ng Pilipinas." Si Samantha na ang sumagot sa tanong ko. Ah. War sila? Akala ko pa naman siya yung kikitain ni Andrew kanina.
"Aalis na din naman ako. May pinabigay lang ako kay Paul. Sige, nice to meet you uli." Dagdag pa ni Samantha
"Hang out with us sometime, Sam." Aya naman ni Lucas dito
"I will. I'll see you guys around."
"Oh okay, sige. Ingat, Samantha." Sabi ko naman. Kumaway at ngumiti lang siya sa amin bago tuluyang umalis.
Agad naman nilang tinext si Andrew na pumunta doon dahil nagulat din sila sa pagdating ni Samantha. Ang alam kasi nila ay nasa London siya at matagal na silang hindi nagkikita ni Andrew.
Ang mas ikinagulat namin ay nang kasama ni Andrew na dumating yung ex niyang si Cheska. Okay lang sana kahit sinong ex pa ang isama niya, e. Pero si Cheska? Ibang usapan na yon.
Kahit hindi ko pa naman sila kaibigan nung mga panahon na naging sila ni Cheska, base pa lang sa mga ginawa nito kay Andrew ayaw ko na sa kanya. Andrew doesn't deserve someone like Cheska. She's a two-faced bitch and I can't see the reason why Andrew's actually smiling while walking to us.
"Hey guys. Anong problema?" Tanong naman ni Andrew nang makalapit sa amin. Hindi ko siya tinitignan dahil naiinis ako. Ginago siya nang babaeng yan. Tapos ngayon kasama niya? Tsk.
"Wala naman. San kayo galing?" Si Ashley na ang bumasag ng katahimikan dahil alam din naman niyang walang balak magsalita sa mga 'to lalo pa't andyan yung Cheska. At wag niya din akong aasahang magsalita dahil nagngingitngit na ako ngayon.
"Nagmall lang. You guys don't mind if we join right?" Tanong pa ni Andrew. I do mind, though! Gusto ko sana siyang sagutin pero nagtitimpi lang ako.
"Sure. Join us." Si Ashley lang ang nagsasalita. Napakadense talaga ng abnormal na 'to. Hindi ba niya makita na hindi kami komportable sa presensya ng Cheska niya? Tsk.
"Excuse me." Nag-excuse na lang ako para pumunta sa washroom. Hindi ko kayang tagalan ang mukha ng Cheska na 'yon na katapat ko lang. Paglabas ko ay nakita ko naman si Lucas sa labas.
"Wanna ditch?" Hindi pa man ako nakaka-oo ay pinakita na niya sakin yung dala niyang shoulder bag ko kaya naman natawa ako. Buti hindi siya nahalata nung mga 'yon. Kaya naman sa back door na lang kami dumaan. Bahala sila don. I'll give Andrew an earful of sermon later. For now, I just wanna go home.