"Hmm...masarap! Didn't know you'd cook very well! I specially like the salad." Komento ni Samantha sa ginawa ko habang nagtathumbs-up pa
"True! Galing mo talaga, bess!" Segunda naman ni Ashley
"Thanks! Sige na, kain lang kayo."
At dahil bonding time with the girls ang araw na 'to, nagmovie marathon kami at ginawan ko sila nang popcorn at juice. Puro chickflicks yung pinanood namin at hindi naman mawawala yung A Walk To Remember na mahigit sa sampung beses na atang napanood ni Ashley.
At kahit maraming beses na niyang napanood, parehas pa rin yung hagulgol niya sa unang beses niyang napanood yon. Kaya hindi ko alam kung maiiyak din ba ako o matatawa ako sa bestfriend kong overly emotional.
Pagkatapos nang tatlong movie na sunud-sunod, napagkasunduan naman naming magkaraoke. Yun ang sinuggest ni Samantha dahil gusto niya raw kaming marinig na kumanta.
Hindi sana ako papayag kaya lang gusto ko din namang mag-enjoy yung dalawang 'to. Kahit ba pang banyo lang yung boses ko ay pumayag na ako.
"Okay. Ako muna!" Presinta naman ni Ashley. Gusto ko siyang pigilan pero hayaan na. Mas mag-eenjoy kami kung siya yung mauuna.
I'm feeling sexy and free
Like glitter's raining on me
You're like a shot of pure gold
I think I'm 'bout to explodeHindi naman magaling kumanta si Ashley. Hindi rin naman panget. Sadyang maeffort lang talaga siyang kumanta. Bigay todo talaga kapag nabigyan ng chance na kumanta.
I can taste the tension like a cloud of smoke in the air
Now I'm breathing like I'm running cause you're taking me there
Don't you know? You spin me out of control"C'mon! Sabayan niyo ako!" Sabi pa ni Ashley habang kumakanta
Ooh, ooh, ooh, ooh
We can do this all night
Damn this love is skin tight
Baby, come on
Ooh, ooh, ooh, ooh
Boom me like a bass drum
Sparkin' up a rhythm
Baby, come on!
Ooh, ooh, ooh, oohBigla namang sumabay si Samantha kay Ashley at sabay pa silang kumakanta habang sumasayaw sa harap ng TV.
Rock my world until the sunlight
Make this dream the best I've ever known
Dirty dancing in the moonlight
Take me down like I'm a domino"C'mon Dev!" Sabi naman ni Samantha kaya wala akong ibang choice kung hindi sumali sa kabaliwan nila.
Every second is a highlight
When we touch don't ever let me go
Dirty dancing in the moonlight
Take me down like I'm a dominoNakisayaw lang ako pero hindi ako sumasabay na kumanta sa kanila. Unti-unti akong bumalik sa sofa nang hindi nila napapansin at kinuhaan ko sila nang video sa phone ko.
"Bess, i-delete mo yan!" Saway ni Ashley sakin nang matapos silang kumanta.
"Try mong i-delete." Sabi ko naman habang inaabot sa kanya yung phone ko.
"May passcode yan e! Kainis! Nakakahiya kaya! Sam, oh! Kasama ka doon!" Baling niya pa kay Samantha
"Okay lang sakin. I don't mind." Natatawang sagot naman niya at naupo sa tabi ko. Mas lalo tuloy siyang nagmaktol at matuturn-off daw sa kanya si Paul.
"Sa tingin mo matuturn-off pa siya sa'yo? E, lahat ng kabaliwan mo alam at nakita na niya. Hindi mo kailangan mamroblema." Pang-aasar ko pa kaya tignan niya ako ng masama na mas lalong ikinatawa naman ni Samantha.
Hindi na sila nagstay for dinner at sinundo naman sila nang kanya-kanya nilang boyfriend. Hindi naman ako ganun kagutom kaya yung salad na lang ang kinain ko for dinner. Hindi ako nagdidiet pero nakakabusog din naman yung patatas at nakakatamad din magluto.
Pagkatapos kumain at magligpit, naglinis muna ako nang katawan bago magpababa nang kinain. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok kaya nilibang ko muna yung sarili ko sa panonood ng TV. Wala na rin naman akong dapat gawin para sa school.
Pasado alas onse nang makaramdam ako ng antok at napagdesisyunan kong matulog na. I'm already half-asleep pero agad din nawala dahil sa tumatawag sa akin.
Lucas calling...
Wala bang magawa sa buhay 'to at pang-iistorbo sakin ang pinagkakaabalahan? Hindi ko muna sinagot at hinayaan lang na magring hanggang sa mawala. Pero wala pang limang minuto tumatawag uli siya, at wala sana akong balak sagutin yung tawag niya kung hindi lang umabot sa pang-limang tawag kaya naman sinagot ko na.
"What?" Sagot ko dito
"Pfft... shungit mo namaaaan-- Hoy Lucas! Sinong kausap mo? Akin na nga yan! Hello?" Lasing na Lucas ang bumati sakin pero narinig ko namang agad sumingit si Andrew.
"Is he drunk? Nasan kayo?" Tanong ko dito
"Dev! Ikaw pala. Wala, lasing na e. Ewan ko ba dun ang bilis nalasing. Sorry sa istorbo-- Hoy! Ano ba!" Tanging ingay sa paligid na lang ang naririnig ko at parang nag-aagawan pa sa cellphone.
"Hello? Andrew? Still there?" Tanong ko matapos ang ilang minuto
"Helloooo gandaaaa!! Ay mish yuuuu hihihi! Nashan kaaaa?" Bumungad naman ang lasing na boses ni Lucas
"You're drunk. Pakibigay yung phone sa pwedeng makausap ng matino." Masungit na sabi ko rito
"Shungit mo namaaan!! Huhuhu oh ayan! Kaushapin mooo!!" Rinig ko pang sabi niya sa pinag-abutan niya nang phone
"Hello?" Si Matt naman ang kausap ko ngayon.
"Matthew. Can you please not let Lucas hold his phone? I'm about to sleep." Iritado kong sagot kahit na hindi ko dapat binubunton ang inis ko sa kanya
"Sorry about that. Sige, matulog ka na ulit."
"Okay. Ingat kayo." Then I hung up. I'm finally at peace pero nag-aalala pa rin ako sa mga loko-lokong 'yon. Alam naman nilang may pasok bukas tapos maglalasing sila ngayon. Mga baliw talaga.
Morning came and I did my daily routine. As I expected, mas maaga uli ako doon sa tatlo. Wala pang masyadong tao sa room nung dumating ako kaya tahimik na lang akong pinatong yung ulo ko sa desk. May 30 minutes pa naman bago mag start yung klase.
Mababaw lang yung tulog ko kaya ramdam ko agad yung taong kumakalabit sa braso ko. Nang mag-angat naman ako ng tingin ay nakita ko ang nakangising mukha ni Lucas.
"What are you doing here?" Gulat na tanong ko dito dahil sa kabilang building pa siya nagkaklase at mukhang may hangover pa siya
"Wala lang. They wouldn't tell me why I called you last night. So, I came here to ask you." Sabi niya ng makaupo sa katabing upuan ko.
"You were too drunk to remember? Poor you." Pang-aasar ko pa na ikinakunot lang ng noo niya at tinignan pa ako ng masama
"Fine. You were baby talking and kept on telling me that you love and miss me. You even said that you can't stop thinking about me." Of course I lied. Gustong-gusto kong nakikita ang naiinis at pikon niyang mukha. Pero imbes na 'yon ang makita ko ay gulat at takot ang rumehistro sa mukha niya
"Seryoso? Hindi mo ako niloloko? Shit shit shit!" Yan ang nasabi niya nang makabawi sa pagkagulat at tila naguguluhan na hindi alam ang gagawin. I'm hella confused here.
"You...I... fck! Don't mind that, okay?! Like you said, I was drunk. H-hindi ko alam ang pinagsasabi ko. F-forget it, okay?!" Natataranta niyang sabi kaya naman natawa na ako na pinagtaka naman niya.
"B-bakit? A-anong nakakatawa?" Nauutal niyang saad habang nakakunot ang noo.
"You're hilarious! I was just kidding! You should've seen your face!" Sabi ko pa habang tumatawa at mas lalo pang kumunot ang noo niya. Bigla naman siyang tumayo at nakatalikod lang sakin kaya napatigil ako sa pagtawa
"Hindi nakakatawa." Sabi niya sa isang malamig na boses at agad na naglakad palabas ng room nang hindi man lang ako nililingon.
O-kay? What was that?