Saturday and Sunday passed by slowly. No assignments. No reports. I literally have nothing to do.
Nakakatamad din namang lumabas ng bahay. Isa pa, wala naman akong makakasama. Edi mas lalong nakakatamad. Sila Paul at Ash may date. Si Hans, hindi ko alam saang lupalop na naman napadpad. Instead, I logged in to my Facebook account. 50+ notifs. 5 friends requests. 30+ messages.
Friend Requests
Lucas Villamayor
Accept Not Now
Andrew Castillo
Accept Not Now
Jake Alvarez
Accept Not Now
David Lim
Accept Not Now
Matthew Thompson
Accept Not Now
Wala sana akong balak i-accept yung kay annoying Lucas. Kaya lang baka magfeeling na affected ako sa mga ginagawa niya kapag nakita niyang siya lang ang hindi ko inaccept sa kanilang lima.
Pagka-accept ko, biglang may nag pop up na chat.
Lucas Villamayor
Hi! :)
Hindi ko na lang pinansin. Wala akong pake. Kaya clinose ko na lang yung chat box niya.
Nag pop up uli yung chat box niya.
Lucas Villamayor
Aww. Ang sungit naman ni miss ganda :(
Seenzoned lang akoWala ba siyang magawa sa buhay niya? Inaccept ko na nga diba. Tss
Sa badtrip ko, nag logout na lang ako. Baka masira pa ang boring kong araw.
In the end, nagpakasawa ako sa panunuod ng movies. Hanggang ngayon, linggo, panonood pa din ng movie yung inatupag ko. After kong umattend ng mass kanina, diretso uwi na ako dito sa condo.
Balak ko pa sanang matulog uli kaso hindi naman na ako inaantok. Maya-maya may nagtext na unknown number.
+63915*******
Hi miss ganda! Please wag ng masungit. See you tomorrow sa school! :)
-Lucas Pogi
Ha! Oh please. Hindi ka pogi. Asa ka! For sure kung hindi si Paul yung nagbigay ng number ko, si Ash or Hans. Tss
August 20, 2012
Monday
First day of the week, sira na agad yung araw ko. Pano ba naman, sa lahat ng makakasabay ko sa paglalakad papuntang school si annoying Lucas pa. Kaya nga hindi ko dinala yung sasakyan ko e para fresh air. Tapos ganito yung dadatnan ko. Tss
"Goodmorning, ganda!" bati niya sakin habang sumasabay sa lakad ko
"Walang 'good' sa morning kung ikaw agad makikita ko" sabi ko sabay irap
"Ang sungit mo talaga e no? Meron ka ba ngayon?" sabi niya sabay tawa
"How dare you! Dyan ka na nga!" inis na sabi ko saka ako naglakad ng mabilis
Imbis na fresh pa ako pagdating sa school, mukhang pagpapawisan ako sa bilis ng lakad ko.
"Wait up!" tawag pa niya pero hindi ko pinansin
![](https://img.wattpad.com/cover/7876485-288-k207011.jpg)