Nang tuluyang gumaling yung sugat at pilay ko ay malaya na akong nakakagala na mag-isa. At dahil weekend ngayon ay naisipan kong umuwi sa bahay para bisitahin sila mommy. Baka magtampo na naman kasi yon kesyo hindi daw ako dumadalaw.
Nagdrive ako papuntang Makati. Nandoon din daw kasi si Jay ngayon kaya pumayag na akong bumisita.
Bago dumiretso ay dumaan muna ako sa mall para bumili ng paborito ni Mommy na donut. Bihira lang kasi kumain ng sweets yon dahil pinagbabawalan ni Daddy.
Habang nakapila ako ay may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Devin, right?" Sabi nang babae na nakapila din sa likod ko kaya napalingon ako.
Matangkad. Mestiza. May mahabang kulot na buhok. Kulay asul ang mata.
"Samantha?" Gulat kong tanong. Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami dito. Bumili muna kami bago umupo sa bakanteng upuan.
"Hi! I didn't expect to see you here." Panimula naman ni Samantha
"Me either. Malapit ka lang ba dito?" Tanong ko naman. Maaga pa naman kaya okay lang na makipagkwentuhan sandali
"Yes. My condo's right across the street. Ikaw? Saan ang punta mo?"
"I'll visit my parents in Makati. Nagtatampo na kasi." Sabi ko naman at pareho kaming natawa
"They can be melodramatic sometimes." Sabi pa niya kaya mas natawa kami
"Are you meeting someone today?" Tanong ko naman nang unti-unting humina ang tawa namin
"Yup. My boyfriend." Sagot naman niya
"Oh. Wala pa naman siya noh? Tinatamad pa akong umalis e." Pagbibiro ko naman. Wow. Hindi ko alam na marunong pala akong magbiro. Lol
"Yeah. On the way pa rin naman siya."
"Nga pala, nagkita na ba kayo ni Andrew? Nasabi ko kasing nandito ka." Kasi syempre magkaibigan sila diba? Dapat lang na magkita at magkamustahan man lang sila.
"Uhmm...hindi pa e. Kamusta pala siya? Sila ni Cheska?" Nag-aalinlangan niyang tanong. Seryoso ba yung pinag-awayan nila? Bakit wala man lang silang balita sa isa't isa?
"O-okay naman siya. Pero...wala na sila ni Cheska." Alam kong hindi dapat ako ang nagsasabi. Pero matagal naman na yon kaya hindi naman na siguro big deal diba? Nakamove on na din naman si Andrew doon kay Cheska.
"Oh... hindi ko alam. Wala na kasi akong balita dito since pumunta akong London, e." Sabi naman niya
"Kaya pala. Nagulat na nga lang ako na bestfriend mo pala yung baliw na Andrew na 'yon." Sabi ko naman na ikinangiti niya pero agad din namang nawala 'yon at natahimik siya.
"Hindi ko nga alam kung kaibigan pa ba ang turing niya sakin, e." Sabi naman niya makalipas ang ilang sandaling pagtahimik niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat na sabihin.
"Maybe we should all hangout sometime. Masaya yon diba?" Pag-iiba ko na lang nang usapan bago pa tuluyang bumigat yung atmosphere.
"Yeah. That would be fun!" Ngayon ay masigla na uli siya. Pagkatapos naming magkwentuhan pa at magpalitan ng numero ay nagpaalam na akong mauuna na sa kanya.
I drove for another hour bago tuluyang makarating sa bahay. Pagkarating ko sa garahe ay nakita ko kaagad ang Mustang ni Jay.
Pumasok ako sa bahay at si Daddy lang ang nasa sala.
"Hi Dad!" Bati ko rito pagkatapos ay bumeso at yumakap
"Hey sweetie. Your mom's in the kitchen." Ganting bati at yakap naman niya. Pumunta agad ako sa kusina para tignan kung ano ang niluluto ni Mommy. Magtatanghali na rin kasi nang makarating ako.