"I can't believe Andrew! Talagang dinala niya pa yung babae na yon. I thought he's over her? Akala ko kung sino na yung kikitain. Yung Cheska lang pala na 'yon!" Naiiritang reklamo ni Lucas habang naglalakad kami sa sidewalk. Parang babae talaga 'to. Mas madalas na ngang magreklamo kesa sakin, mas malakas pa yung boses.
"Tss. Tumigil ka na nga. Para kang babae." Pero kahit ganito yan, mas gugustuhin ko pang marinig yung reklamo niya kaysa nakaupo ako doon kasama yung babaeng yon.
Maya-maya pa ay may tumatawag kay Lucas.
"Where the hell are you? Kasama mo ba si Dev?" Rinig ko naman ang iritadong boses ni Matt dahil inispeaker phone ni Lucas ang phone niya.
"Yup. Sorry, bro. Baka masuntok ko kasi si Andrew. How are things there?"
"Umalis na ako. Gumawa na lang ako ng excuse." Iritado pa rin ang boses niya kaya gusto kong matawa. Lalo pa't nagkaroon ako ng idea kung anong excuse ang ginawa niya.
"Let me guess." Pang-aasar ko naman
"Shut it, Devin. Nasaan kayo?" Mas lalo siyang nainis kaya natawa na ako.
"Matt, don't tell me ginamit mo na naman yung same lame excuse mo? Hindi ka ba nagsasawa." Mukhang nahulaan na din ni Lucas
"Screw you. It works all the time. Nasan nga kayo?" Mas lalo lang kaming natawa ni Lucas dahil ginamit na naman niya yung excuse niya. Kapag kasi hindi na niya kaya yung nangyayari sa paligid niya, lagi niyang sasabihin na umiikot yung tyan niya at aarte pang sobrang sakit ng tyan niya yung tipong akala mo nag-e-lbm.
"Umuwi ka na lang. Baka lbm na talaga yan." Pang-aasar pa ni Lucas.
"Gago. Samahan niyo na lang ako. Punta kayo dito sa Megamall." Pag-iiba niya ng usapan kaya sumang-ayon na lang kami at pumara ng taxi para pumunta sa Megamall.
Hindi na siguro matutuloy yung gimik mamaya. Lalo pa't nasira na yung mood nung tatlo. Siraulong Andrew naman kasi, e. Alam ko kung gaano kaaffected itong mga baliw na 'to sa naging love life ni Andrew. Andun sila at saksi sila kung paanong muntik ng itapon ni Andrew yung buhay niya dahil lang sa isang babae. Tapos biglang ganto, parang walang nangyare.
Pinuntahan namin si Matt sa may arcade at naabutan siyang naglalaro ng car racing doon. Hinayaan lang namin siya hanggang sa matapos siya.
"Nice one, pre. Puro bangga ah." Pang-aasar pa ni Lucas
"Tsk. Tarang kumain." Palatak na sabi niya tsaka naunang lumabas.
Kumain at nag-ikot-ikot lang kami hanggang sa mapagod at tumambay sa Starbucks. Maya-maya pa ay may nareceive akong text galing kay Ash.
From: Ashley
Bess! Nasaan kayo? Nagtampo si Andrew kasi bigla kayong umalis na tatlo.Wow. Siya pa may ganang magtampo ha. Tsk
To: Ashley
Mall. Kayo?Agad naman siyang nagreply.
From: Ashley
Nakauwi na kami ni Paul. Tuloy pa rin mamaya ha?To: Ashley
Hindi ako sasama.Imbes na text ang matanggap ko, tumawag na lang siya. Panigurado pipilitin ako nito. Sinagot ko na lang
"What?"
(Ay. Wala man lang 'Hello'?)
"Daming arte. Ano nga?"
(Sama ka na mamaya. Please?)
"Ayoko."
(Tsk. Dali na! Sasakalin kita e!)
"Wow ha. Ikaw na ngang nangungumbinsi dyan, ikaw pang mananakit. Ikaw kaya sakalin ko."
Natawa naman yung dalawang baliw sa sinabi ko. Alam nilang si Ashley na yung kausap ko. Akala ko pa naman hindi na tuloy. Tsk.
(Joke lang! Hindi ka naman mabiro. Dali na, bess. Sama ka ha? Ha? Please?) Ngayon naman malambing na yung boses. Ewan!
"Wag kang pa-cute. Kinikilabutan ako. Oo na. Sige na. Bye." Binaba ko na agad dahil alam kong titili lang yon at mababasag ang eardrums ko
"See. Si Ash or Hans lang talaga makakapilit dyan." Komento pa ni Matt na tinignan ko lang ng masama.
Hinatid na kami ni Matt sa kanya-kanya naming condo. Wala kasi kaming dala pareho na kotse. Inasar pa siya ni Lucas na sa likod kami pareho umupo para daw magmukhang driver si Matt.
Si Lucas na ang nagpresinta na magsusundo't hatid sa akin mamaya. Umoo na lang ako kasi hindi na mababawasan yung gasolina ko.
Pagkarating sa condo ay nagpahinga muna ako saglit bago nagsimulang maligo't mag-ayos. Kinuha ko yung ripped skinny jeans at cropped shirt ko with my black stilettos. Inayos ko lang yung kilay ko and put red lipstick on.
Quarter to ten dumating si Lucas. Ang usapan kasi ay ten to eleven andun sa pagkikitaan. Balak kasi atang magbar hopping nung dalawang baliw na sila Ash at Hans.
"Ganda mo naman, ganda." Sabi ni Lucas na may nakakalokong ngiti pagkalabas ko ng pinto
"Didn't ask. Tara na." Pambabara ko at naunang maglakad sa kanya papuntang elevator
"Sungit naman." Habol pa nito pero hindi ko na lang pinansin.
Dumating kami sa Tomas Morato pero wala pa yung iba kaya kami na yung nagpareserve.
"Isasama ba ni Andrew?" Tanong ko patukoy dun sa ex ni Andrew
"Subukan niya lang. Masusuntok ko talaga siya." Inis na sambit niya at nilagok yung beer niya. Umorder na siya ng isang bucket ng beer habang two shots of Jack Daniels muna ang kinuha ko habang wala pa sila.
Sabay na dumating sila Matt at Jake. Lumipat naman si Lucas sa tabi ko kaya katapat namin sila Matt at Jake. Sila Hans, Ash at Paul naman ay nasa byahe pa lang. Sinabi kasing agahan yung alis dahil alam na traffic. Pasaway!
"Akala ko hindi ka sasama." Komento ni Jake
"Yan ba ang hindi sasama? Handang-handa nga e!" Pang-aasar namn ni Lucas kaya sinuntok ko sa braso
"Aray! Hindi ako punching bag!" Sabi pa habang hinihimas yung braso niya
"Arte. Hindi naman malakas." Bulong ko na sadya ko pa ring pinarinig kaya natawa na lang sila Matt at Jake.
Hindi pa naman gaanong karami yung mga tao kaya hindi pa ganun kaingay. Paniguradong magiging crowded din mamaya dito. Umorder pa uli ako ng dalawang shot ng JD nang maubos yung unang inorder ko.
Pasado alas onse na dumating yung tatlo at wala pa rin si Andrew. Nagtatampo pa rin ata kahit na dapat ay kami yung nagtatampo sa kanya.
"Wow. Sino 'tong chicks na kasama niyo?" Pang-aasar ni Ashley nang umupo siya sa tabi ko
"Manahimik ka." Hindi ko na lang pinansin yung tawa niya at ininom yung isang shot ng JD.
"Hanggang saan ba alcohol tolerance ni Dev? Pangatlo na niya yan." Komento naman ni Matt na sinagot ni Paul
"Mas mataas kay Lucas." Mapang-asar na sabi ni Paul kaya hinamon ako nung loko
"Asa! Pustahan, mauuna pang matumba sa akin yan." Sabi pa niya na ikinatawa naman nila
"Okay. Deal. Pero kapag nauna ka, you'll be my errand boy for a month." Sagot ko naman sa hamon niya
"A month?! Ang tagal naman non!" Reklamo pa niya
"Not confident enough?" Pang-iinis ko pa kaya mas lalong kumunot ang nakakunot na niyang noo
"Fine. Deal. Pero kapag ikaw ang nauna..." Binitin niya pa yung sasabihin niya
"You'll grant my wish. Isa lang naman." Sabi pa niya
"Ano naman yon?" Nacurious naman ako dun sa wish niya. Ano pa bang kailangan ng lalaking 'to? At ako pa talaga ang tutupad ng hiling niya ha? Ano ako, genie? Tss.
"Magpatalo ka kung gusto mong malaman." Pang-aasar pa niya kaya nakipagdeal na lang ako.