Chapter 21

26.8K 904 268
                                    

Chapter 21

Surprise


"Anak, sa Paris ka na mag-birthday. Iyon ang suhestiyon ng mga Tita mo," iyon ang sabi ni Mommy habang katawagan ko si Xydon isang gabi.

That surprised me. Ang plano kasi, dito ako mag d-debut sa Pilipinas! Paano ang mga kaibigan ko, 'di ba? And Xydon... He's busy with his studies.

Pinagtalunan namin 'yon ni Mommy, pero nang sabihin niya na may naihanda na ang mga Tita ko, hindi na ako nakapalag. Sabi ni Mommy, nakausap na daw nila ang ilang kilalang designers para sa susuotin ko at decorators ng event. How could I still disapprove, then? I don't want their efforts to come to waste.

"Paano na 'yan? Ang mahal mahal ng plane ticket, girl! Pwede naman siguro, kaso..."

Nasa salon kami at si Jaya ang nagbukas ng usapan.

I sighed. "Video call na lang. Ayos lang naman din. O kaya... I will ask my Mom if she can pay for your plane tickets—"

"Uy, hindi na! Gagawa na lang kami ng paraan..." Bakas ang hiya sa mukha ni Anikka. Nakakabigla.

Umikot ang mga mata ko. "Debut ko 'yon! Alangan naman wala kayo..." dismayado ang boses ko.

"Gagawa na lang kami ng paraan!" si Demi.

Ang hirap naman kasi talaga. I know they have money, but the cost to go to Paris is not practical. I also don't want their money to be spent just that. May mga mas mahalaga pang bagay kumpara sa birthday ko...

Hindi makapaniwala si Mommy na magmamartsa akong with high honor. Kahit ako naman! But I know I deserve it! I really studied hard and I took every performance tasks very seriously. Gusto ko kasi talagang... maging proud sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay ko.

"Nandito na ako sa school," sagot ko sa tawag ni Xydon.

We're wearing our uniform underneath the green toga. I already had my makeup on and I'm now ready to go get my awards. Excited ako dahil marami!

"Alright... Nasa parking lot na ako. There are too many people," he said with his excited tone. "I want to see you now."

Tumawa ako. "Do you want me to go where you are now?"

Sumenyas ako sa mga kaibigan ko na mauna na sila sa gymnasium. Nakita ko ang mga mukha nilang mapang-asar bago nagmartsa papunta sa gym. Napangiti ako dahil pare-pareho kaming ga-graduate ngayong araw. We rise as one...

Isang yakap ang sumalubong sa akin sa harap ng department namin. Ang panlalaking amoy ni Xydon ay bumalot sa aking sistema. I chuckled and stepped back.

"Tara na!" sabay hawak ko sa kaniyang kamay. "Ang gwapo..."

Nakaputi siyang long sleeve sa ibaba ng kaniyang itim na coat. He looks so presentable that he turned out like a businessman. Idagdag pa ang ilang pulgadang tangkad niya kumpara sa akin.

"You're so fine," bulong sa akin ni Xydon habang nasa likod ko. Nasa bukana kami sa gymnasium at hindi makausad. Ang daming estudyanteng nakaharang kaya mahirap makapasok.

Tinapik ko ang kamay niya nang marahan iyon humaplos sa tiyan ko. When I looked back to see his expression, he just eyed me with his naive eyes. Nagtaas pa ng kilay sa akin!

Nasa kabilang side ang mga magulang namin. Hindi na ako nagtaka nang mayroon ding nakalaan na upuan para kay Xydon at katabi niya si Mommy. Nang lingunin ko, nagtatawanan silang dalawa. Nahagip ako ng mga mata ni Xydon at kumindat ito. I made a face and just listened to Anikka's speech.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon