Chapter 3

31.5K 884 529
                                    

Chapter 3

Visit


I was watching a Korean drama at three o'clock in the morning when my phone started ringing. Labag sa kalooban kong pi-nause ang aking pinapanood at kinuha ang cellphone ko. I saw Vier's name so I answered it in a speed.

"Hello?" Ako ang unang nagsalita.

"Nagising ba kita?"

Umiling ako at umayos ng upo. "Hindi. Nanonood ako, bakit ka napatawag?"

He chuckled and it was husky. Parang kagigising niya.

"Wala naman. Nagising lang kasi ako... Manonood ka pa ba?"

Malamang. Nasa climax na 'yong pinapanood ko, e.

"Uh, hindi naman na. Bakit ba?"

Napapikit ako ng mariin at sumandal sa headboard ng kama ko. I sighed heavily. Bakit ba ako ganito?

"Usap tayo..."

Kumunot ang noo ko. "Tungkol saan ba?"

Tumawa ulit siya. "Kahit ano. Random talk lang ngayong three AM."

That's what we did. We talked until quarter to five. It was indeed random. We also looked back to when we started being friends. It was fun kahit inaantok na ako. May mga dull moments pero siya naman ang gumagawa ng paraan. Nahirapan pa nga akong magpaalam kahit antok na antok na ako. Hinayaan ko na lang dahil Sabado naman kinabukasan.

Saturday when I was left alone in the house. Nasa veranda ako ng kwarto ni Mommy dahil doon ay malamig. I was lying on her modern hammock while stalking Tasha Silvestra. Napansin ko na halos lahat ng shared posts at pictures niya ay liked by Taranvier Escovar. Kahit mga recent posts ay naka-liked. And I don't know why I feel so down because of it.

May parte sa akin na alam kong gusto niya pa rin si Tasha— gustong gusto... Pero dahil nga sa pag-asta niya sa akin, pakiramdam ko ay nawawala na 'yon.

Nawawala na ang feelings? E, bakit naka mass liked? May mga mentions pa sa kanya ng ilang kaibigan sa mga posts ni Tasha at nag co-comment naman si Vier. Mukha ngang masaya pa siya na lumilitaw ang pangalan niya sa comment section. He didn't seem irritated or bothered. He seemed having fun.

Mahigit isang buwan nang sweet sa akin si Vier. There were moments that people were concluding na kami raw. He always denies kasi hindi naman talaga. He always ends up reasoning we're just friends.

I pulled the string while aiming my target. Mabilis kong binitawan ang string, kasabay no'n ang pag-travel ng arrow. I smirked when it landed in the middle. Pumalakpak ang ilang kasamahan namin.

"Ready'ng ready na sa inter-high, a!" puri ng isang grade twelve.

I chuckled. "Medyo..."

"Medyo raw? E, halos lahat ng shots mo, gitna! Sana lahat!"

Natawa ako. "Practice lang talaga..." pa-humble kong sagot.

Tanghali at nandito kami sa field. It's not hot here since we're surrounded by big ang tall trees. Natatabunan kami ng mga malulusog nitong mga dahon. Malamig ang haplos ng hangin sa aking balat at nakakadagdag lamang 'yon sa aking antok.

Malapit na ang inter-high kaya araw-araw na kaming nag-te-training. We are still developing our skills and knowledge. We're still testing our capacities so we would know what's still needed to fill what we lack.

"Sa Glazing Fires ang venue ng inter-high, 'di ba?" tanong ni Demi.

Tumango ako. "Bakit?"

Kinuha ko ang tubig ko sa bag ko na hawak niya kanina pa. Jaya and Anikka were busy doing their responsibilities. School officers kasi ang mga 'yon.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon