Chapter 31

30.6K 761 375
                                    

Chapter 31

Better 


"Balik na kayo mamaya sa cottage!"

Tinuro ni Anikka ang coastal cottage na may kalayuan kung saan kami nakatayo ni Aya. Tinignan ko ang batang namumulot ng mga ligaw na shells bago tinanguan ang kaibigan kong naglakad na pataas. Nauna na kasi si Demi at Jaya dahil ichecheck pa ang mga pagkain.

The sky was changing its color by the minute. Nagiging kahel na ito dahil sa pabagsak na araw sa gitna ng dalawang malalaking bundok sa aming harapan, sa likod ng dagat.

"Mimi, shell!" Itinaas ni Aya ang nakita niyang malaking kabibi. "It's pretty!" Nakaupo siya sa puting buhangin habang nakaangat ang isang kamay. Her curly hair was being swayed by the wind gust that only lasted for some seconds.

"Like you, baby," I smiled back and she got back looking for lost shells.

Nakatayo ako habang nakatayo sa pababang araw. I was holding a shell found by Aya. Marahan ko itong hinahaplos habang nalulunod sa payapang dala ng kapaligiran.

Looking back, I was like a lost sea shell. Not lost in sea shores rather lost in the hands of the people whom I'm begging for love and attention. I was found, and I was lost again...

But then, I'm trying to be found again... alone this time... never again will try to fit in wrong hands I always thought were the right ones and deserve to hold me and cage me like they will own me forever.

Bumaba ang mga mata ko sa daliri kong wala nang suot na singsing. I am still not over the moment we officially ended it. Everytime I see my finger free, I remember it...

I remember the last memory I had with him. A shattering memory.

"Let's fix us, baby... Hindi na ako babalik ng Dubai maayos lang tayo."

He was pleading while the rain was pouring, wandering our bodies. Ilang araw, at oras na siyang nasa labas ng bahay, ngayon lang ako lumabas. I... I just don't have the strength to see him.

He was crying, while I wasn't. Tapos na akong umiyak sa kan'ya, pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ako nasasaktan. Hindi naman nabawasan ang sakit.

"Hindi na... Tanggapin na lang natin na hanggang dito na lang talaga." Ngumiti ako nang tipid sa kan'ya.

Every word cuts my heart.

"I can't... I won't... We can still fix this, baby... I'll change," he whispered while his shoulders were quivering. Hindi ko alam kung sa lamig, o sa pag-iyak.

Ilang mensahe na ang pinadala niya sa akin, pero ni isa roon, walang pag-amin na niloko niya ako. Walang pag-amin na humalik siya ng iba. Walang pag-amin na nagkamali siya. Tanging gusto niya lang ay kapatawaran, at pagkakaayos.

It's unfair, right?

"Ayaw ko na..."

Kasi pagod na pagod na ako. Sobrang sakit ng mga pinagdaanan ko. Hindi lang naman siya ang nawala sa buhay ko dahil sa pagkakamaling 'yon...

"You're just tired, Uoiea... Kaya pa ito. Mababalik pa natin 'to sa dati. You love me, right?" pagmamakaawa niya habang pilit akong hinahawakan. I kept stepping back.

I wouldn't feel pain if I didn't love him... I love him right... He loves me so much but it wasn't right.

"Ayaw ko na. Ayaw na kitang makita pa, Xydon..." Nag-iwas ako ng tingin.

Seeing him pains me more. Ang sakit na 'yong taong dahilan ng kasiyahan mo noon, ay rason na ng pagkadurog ng puso mo ngayon.

"I was at fault... May mali akong nagawa... Hindi ko sinasadya 'yon, Uoiea... Can you forgive me? And let's start over again?" His eyes were bloodshot and his voice was wrecked.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon