Chapter 38
Kulang
"Stop running away, please?" Humalakhak siya sa leeg ko nang mahuli ako.
I pushed him. Masama ang tingin ko sa kan'ya samantalang nakangisi naman siya. Aliw na aliw masyado.
"Umuwi ka na. Kaya ko nang mag-isa! Nasanay na kaya akong mag-isa, tapos nandito ka na naman!" I rolled my eyes before turning my back at him.
Hindi ko na nakita ang reaksyon niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad, minsan pa ay nawawalan ng balanse pero palagi akong nasasalo ni Xydon. Tinulak ko ulit siya nang ma-out of balance ako at nasalo niya.
"I said go away!"
"I'm sorry," he whispered.
Kumunot ang noo ko dahil kanina tuwang tuwa siya. Ngayon ay binalot na ng lungkot ang boses niya. I let him hug me while I'm trying to control my world. Parang umiikot ako dahil sa hilong nararamdaman.
"I'm sorry... I'm sorry for not being with you for the past years," patuloy niyang bulong.
I laughed. "I pushed you away anyway. Kapag tinulak mo ang isang tao, hindi ba aalis naman talaga?"
I looked up while he's hugging me in front. Inaantok na ako. Gusto ko nang matulog. Hilong hilo na ako, dumadagdag pa ang mga sinasabi ni Xydon sa pagbaligtad ng sikmura ko.
"I deserve the push... I seriously deserve it. Pero dapat yata bumalik ako kaagad..." he said in his serious voice.
Umiling ako. "Hindi rin kita tatanggapin. You made me scared! Scared of love, scared to be broken again... Nakakatakot kayang masira ulit."
Pero siguro kaya ko ring tanggapin kalaunan kung hinabol niya pa rin ako noon. If explained everything all at once to me, baka nga nagbago rin ang pananaw ko.
I groaned. Sumuka ako kanina sa gilid. Xydon brought a bottle of water. Panay ang pagpapainom niya sa akin. The alcohol has corrupted my mind, but because of the water and fresh air I'm taking in, parang gumaan ang pakiramdam ko...
"Even though I wasn't by your side, I was still watching you... Hindi mo na 'to maalala paggising mo, pero sa lahat ng achievements mo, naroon ako... I'm proud of you... And I know that my decision to keep my distance from you is worth it... You focused on your dreams, and you had it..."
Tumango ako. Nakukuha ko naman ang punto niya pero hindi ko naririnig nang buo ang mga salitang binibitawan niya.
He's always watching me? And he's proud of me? Siguro lasing na lasing lang talaga ako kaya natutuwa.
Binalikan ko ang sinabi niya.
"I'm still achieving my dreams... Masaya ba ako? Yes! I was happy... Every achievement I make, I'm happy... Pero alam mo? Parang may kulang palagi..."
When I removed his hands around me, I started walking backwards, still facing him. I saw his shoulders fall down as he walked slowly, equalling my pace.
I chuckled. "Did you promise me before that you'll be at my side in every dream I will accomplish? Parang gano'n..." I wasn't sure. "Like, you'd never leave my side..." I wasn't sure of what I was telling him.
Hindi ko na kasi matandaan. 'Di ko alam kung dahil sa kalasingan ko, o dahil kinakalawang na ang memorya ko. O baka wala naman siyang sinabi na gano'n noon?
"I did, baby..." he whispered and his eyes turned bloodshot. He's hurting again?
"Oh, so you really did..." I chuckled without humor. Ang naipon ko matapos ang ilang mga taon ay sama ng loob.
BINABASA MO ANG
Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETED
RomanceMONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always feel unlovely and a second option. And here comes the embodiment of a Greek God, Xydon Zeus Montevinski, a hot football player who can always...