Chapter 32

30.9K 778 663
                                    

Chapter 32

Angel


"Ang tatanga n'yo... Mag-ingay kayo," bulong ni Anikka.

"So, what's up, guys! Welcome to my vlog! So ngayon, kakain na tayo! Nyarp nyarp!" sabi kaagad ni Jaya habang kumakaway sa camera niyang hindi naman naka-on.

Ngayon... ko lang ulit siya nakita. I didn't get to see him long earlier, tho. At hindi rin naman kailangan. Naririnig ko ang parinig ni Maddizon dahil magkatabi kami ni Jasro. Palagi siyang gan'yan... Ang tanda tanda niya na, at hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nila alam ang totoo, huh?

I think I just have to act like I don't care about their presence anymore. Na hindi na ako apektado...

I laughed with my friends as if they weren't around. Pero kahit isang minuto, hindi naging kalmado ang puso ko. It was ferocious and uncontrollable.

"Do you want this?" tanong ni Jasro sa akin habang umiinom ako ng tubig.

Umiling ako. May narinig na naman akong sinabi ni Maddizon, hindi ko nga lang maintindihan dahil sa distansya ng aming mga lamesa.

"Tumigil ka Jasro..." Pinanlakihan ng mga mata ni Jaya ang katabi ko. "Mas lalo lang uulanin ng kritisismo 'yang si Weya..."

"The fuck," Jasro cussed and rolled his eyes.

"Hayaan niyo na lang sila. Mali naman ang binibintang nila..." Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti para masabing ayos lang ako.

Nakinig naman sila sa akin. Naglalaro sila ngayon ng scrabble habang umiinom at kumakain. Hindi ako kasali dahil hindi ako makapag-focus. Nararamdaman ko kasi ang malalim na titig sa akin mula sa lamesa nila...

The energy was familiar.

"You want a hint?" bulong ni Jasro nang hindi tumitingin sa gawi ko.

I feel like he knows what I was feeling. Hindi ko naman pinapahalata na hindi ako mapakali, pero siguro ay napansin niya ang paglalaro ng mga daliri ko sa ibabaw ng lamesa.

"He's staring at you..." malamig nitong sabi.

And I confirmed it was his eyes that made me feel nostalgia. Pinasadahan ko ang labi ko uminom ng isang shot. Ayaw kong magpakalasing at masiraan ng ulo rito.

"Pagkatapos niyo, uwi na tayo?"

Gusto ko na lang na umuwi at magpahinga. I thought I could have fun today, but what happened was otherwise.

"Sige sige. Inaantok na rin ako," sang-ayon ni Jaya sa akin at nagpatuloy ulit sila sa kanilang ginagawa.

Malakas ang kanilang mga halakhak, at minsan lang ako nakakasabay dahil sa pagiging kabado. Humikab ako dahil sa tagal ng kanilang laro. Hindi na nila ako napapansin dahil masyadong dikit ang kanilang mga scores.

"Walang gan'yang word! Imbento ka!" si Anikka at inambahan ng sapak si Jasro.

"Search it. Search it!" ang tugon ni Jasro sa kaniya.

Napailing-iling ako at wala sa sariling tinagulid ang leeg dahil sa pangangalay. Parang bumagsak ang puso ko nang magtagpo ang mga mata namin pagkatapos ng ilang taong pag-iiwasan.

I know it's just my boredom and sleepiness that made me look back for some seconds. I could see the change physically, but his eyes are still the same. His serious eyes were darted at me like they don't wanna go lure somewhere else. I can't tell what his eyes were telling me, but I know there's a lot it could tell.

Nag-iwas ako ng tingin na parang wala siyang epekto sa akin.

I didn't try contacting him after the breakup. I never planned to tell him anything that had happened to me. I just wanted a full recovery without him and his memories in my head. I didn't try getting news about him and his whereabouts. May mga naririnig ako sa aking paligid, pero hindi ko intensyon na malaman ang mga 'yon.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon