Chapter 29

25.1K 630 421
                                    


Chapter 29

Trust


Xydon:

Tell me if there's a problem. I'm getting insane here. What if something bad happens to you in that bar? You wouldn't even answer my calls and messages.

Xydon:

I know you were just mad and you didn't mean what you said. Let's make up now, please?

Xydon:

I want to go home but I still can't. Baby, I'll try harder, don't worry.

Xydon:

I didn't eat lunch. I was too busy :(

It's been two days since I'm ignoring any connections to him. I already admitted to myself that I really crossed the line. I was too harsh to say those. Pero 'yong overthinking ko ay hindi pa rin ako iniiwan.

Miss ko lang ba siya kaya ako nagkakaganito? Masyado na ba akong mababaw? Pero kung iisipin ko kasing mababaw lang ako, hindi ba parang isinawalang bahala ko na ang nararamdaman ko?

"You just missed him! Message mo na," parang labas sa ilong na mungkahi ni Jas.

I want to ignore him, but I don't want to be disrespectful.

"Mamayang gabi," sabi ko at sumubo ng isang siomai. Habang ngumunguya ay siya pa rin ang nasa isip ko.

If only he'll tell me everything that is happening to him in Dubai, wala sanang ganito kalaki na problema, 'di ba? I can't tolerate him keeping his secrets behind me. I can't continue confronting him about everything. I want his initiative!

"Ewan ko ba riyan kay Xydon! Minsan napapaisip din ako..." Hindi tinuloy ni Jaya ang gusto niyang sabihin.

"Tuloy mo lang," habang pinaglalaruan ko ang juice ko sa isang plastic cup.

"Baka maapektuhan na naman ang isip mo. Iba pa naman ang tama ng opinyon sa isip kapag galing sa kaibigan!"

Nag-iwas siya ng tingin.

"Tuloy mo na!" atat kong sabi habang patuloy sa paglalaro ng juice.

She sighed heavily as if she's in trouble. "Mapilit ka, e 'di, sige! Gusto mo kasi palagi kang nasasaktan, e!"

I sighed deeply, too and rolled my eyes slightly. "At least I have something to expect. Mas mababaw ang impact kung sakaling totoo nga, dahil inasahan ko na simula pa lang."

Nagkamot siya ng ulo. "This is really negative. I don't think Xydon could do this to you--"

"Sabihin mo na, Jaya..."

"Na siguro nakikita ka nga niya kay Chantal? It's possible... Pero kung loyal siya sa'yo, siguro malabo naman mangyari 'yon. Huwag mo na lang munang isipin..."

Paano ko magagawang hindi maisip kung gano'n na lamang ang bigat nito sa dibdib at isip ko. I am thinking about it, too. Hindi naman kami magkamukhang-magkamukha, pero kung tititigan kasi ang mga mata namin, may hawig talaga.

Hindi na namin pinag-usapan nang dumating na sina Demi at Anikka. Nag-taas ng kilay sa akin si Anikka, nagtatanong kung may problema ba. I just shook my head to answer none even though there's a lot.

"Hay naku, kung palagi kayong gan'yan, hindi talaga kayo magtatagal, Ishan," si Mommy habang kumakain kami sa dining room.

I'm open to him. Hindi ko lang sinabi 'yong picture na kasama nila si Daddy. Basta ang sabi ko lamang, maraming pictures na kasama ni Chantal si Xydon...

"My, siya nga ang problema! Palagi na lang siyang naglilihim..."

I feel like she's on the side of Xydon. Sinong hindi maiinis, 'di ba?

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon