Chapter 24

26.8K 784 305
                                    

Updates might slow down. Focus muna ako sa research namin mga mare. Thank you!

Chapter 24

Graduation 


I have lots of responsibilities at school. May mga pending presentations kami at ilang scheduled quizzes. Not all days are stormy, because some days are chills days. Minsan ay nasa kubo kami malapit sa library. No matter how much we want to stay inside the library, if no foods are allowed, we still can't. Dito na lang kami sa labas kung sana libreng kumain at mag-ingay.

"Ang tagal naman ng space na hiningi mo, Jaya... Baka hindi na kayo magkabalikan niyan?" si Anikka habang may hawak na milktea at hamburger.

"It's fine. Kung hindi kami magkakabalikan, siguro hindi talaga kami meant to be!"

"Ikaw naman ang mahal, bakit kailangang magduda ka pa na hindi nga ikaw. First love doesn't always mean last love..." opinyon ko habang nagpa-practice mag calligraphy. Malapit ko na ngang sukuan kahit kasisimula ko pa lang.

"Oh," Demi reacted. "Medyo true. Hindi ako ang first love, pero feeling ko magiging last naman ako..." and she laughed like a wild boar.

I made a face and she pulled my hair lightly. Natawa kaming dalawa. Wala namang tao sa paligid kaya ayos lang mag-ingay. Nasa benches o kaya bermuda grasses sila which is may kalayuan dito.

"Madaling sabihin na 'wag nang magduda, pero sa tuwing nanggugulo 'yong babae, nakaka-inspire makipaghiwalay."

Napalingon ako kay Jaya. Her relationship with Jared is complicated now because of the girl who came to us for a fight last year. Hindi pa rin tumitigil dahil hindi pa nga naka move on.

"But you can't totally let him go, kasi nga nabaliw ka na."

Hindi ko alam kung nang-aasar si Anikka pero gano'n ang tono niya. Nagpipigil lang ako ng tawa.

"Kaya ko naman, ayaw ko lang maging padalos-dalos. Baka iwan ko siya, tapos magsisi ako sa huli."

"Pero minsan ayos naman kayo, a? Dinadalhan ka pa nga ng snack sa lab," puna ni Demi habang makikigulo sa pag c-calligraphy ko.

"We're fine, and complicated at the same time." Umirap si Jaya at hinarap ako. " Ano ba! Huwag na nga ako. Itong si Weya na lang, tutal malapit na silang maging LDR!"

Now, it's my turn to roll my eyes! Nanahimik ang tao...

"Ano? Hindi ko na nga iniisip!"

"Mahirap 'yan. Knowing boys will always be boys. Yikes," si Anikka at nagkibit-balikat pa. Parang humihingi ng dispensa sa sinabi niya pero parang hindi rin naman nagsisisi.

"Stop it. I'm trying so hard to strengthen my faith..." Kunwari ay seryoso ako sa bawat paghagod sa sketch pad ko.

"Hallelujah!" si Jaya kaya bumulwak ang tawa nilang tatlo.

"Amen!" gatong pa ni Anikka kaya umirap na naman ako.

"Ewan ko sa inyo! Isa ka pa, Demi! Nakikihiram ka na nga ng mga calligraphy pens!"

Time really is a traitor. The moment you're having fun is the moment time will move faster. Or maybe it just feels that way because we're happy, and we want time to stop, or rewind. At ang oras, nang-iinis, mas lalo pang binibilisan.

"We can't do this anymore when I'm there," he whispered while kissing me on his sofa. Nanonood kami, hanggang sa napunta sa scene na naghahalikan ang mga bida, at ayon, may nag-alab.

"Reasons—" I was cut by his tongue invaded my mouth. Parang turista kung maglakbay sa bawat sulok ng bibig ko. And his hands are wild now starting when I gave him the honor to wander my body.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon