Chapter 1

43.3K 992 358
                                    

Chapter 1

First Time


Nakatayo ako habang hawak ang sling ng bag pack ko. Mabigat sa dibdib. Habang tinatangay ng hangin ang mga takas kong buhok, siya namang pagbalik ng aking sama ng loob. I sighed and remained watching them. Sa harap ko, sa kabilang kalsada malayo sa aking pwesto, kitang kita ko kung paano hagkan ni Daddy ang anak niya sa pangalawang asawa. He then kissed her head and watched Chantal entered the other gate.

Bumuntong hininga ako at pinasadahan ang kalalagpas nitong sasakyan sa 'kin.

Does he miss me? Does he miss Mom? Does he miss home?

Ipinagwalang-bahala ko na lamang ang nasaksihan. Sinipa ko ang bato sa aking harap at naglakad-takbo papuntang classroom.

Ilang beses ko nang nakita nang paulit-ulit ang gano'ng pangyayari. Pero kahit ilang beses na, mabigat pa rin sa dibdib. Kasi siyempre, Daddy ko 'yon. Dapat sa amin lang siya, pero ngayon, masaya na sa iba.

Kami ang unang pamilya, pero hindi kami ang inuuna.

Six years old ako nang iwan niya kami ni Mommy. Alalang-alala ko pa no'n, umiiyak si Mommy pero kahit isang luha ay wala akong nilabas. I don't know neither why... Nasaktan ako noon, pero hindi ako umiyak. Siguro gano'n kabigat, na pati luha ko nawalan na ng lakas bumuhos.

I was mad... pero kalaunan ay tinanggap na namin ni Mommy. Masaya naman kami na dalawa lang. At kung minsan, kung may sobra siyang oras, kumakain naman kami sa labas. Pero sobrang dalang lang.

Pagtaas ko sa corridor namin, bumungad kaagad si Vier na siyang ipinagtaka ko. Alas sais pa lang. Maaga kasi akong pumapasok, siya naman ay hindi... He looked problematic while dramatically watching the campus.

Sinipa ko ang tuhod niya at hindi niya naman ako sinita. Mukha siyang matamlay...

"Ginagawa mo rito?"

It's been two weeks since I saw him with Tasha. Okay naman kami. Tanggap ko naman kasi na iba ang gusto niya. And I don't plan on ruining what's between them. Masaya siya, masaya na rin ako. Gano'n naman dapat.

"Wala akong makausap," anito.

I chuckled and leaned on the ledge. Siya, nakaharap sa pasamano, ako naman nakaharap sa classroom namin. Dalawa pa lang ang tao sa loob ng classroom nang tingnan ko. Nag titirintas sila...

"May problema?"

He smirked. "Si Tasha..."

Ano ba naman 'to. Ang aga aga, nananakit Ka po. Sabay tingin ko sa itaas.

"Oh, bakit?" I sounded chill.

"Hindi pa raw siya ready. Hindi muna kami magkikita hangga't handa na siya..."

Tumingin ulit ako sa itaas. Salamat po sa blessing. Biro lang...

"Bakit? Ayos naman kayo no'ng mga nakaraang araw, a?" sabay baling ko sa kanya.

Hindi mo na nga ako napapansin. Hinahatid niya pa rin naman ako, kasi siyempre hinihintay ko pa rin siya halos araw araw. Kaso minsan, sa iba rin ako sumasakay kasi ihahatid niya raw si Tasha.

Sanay naman akong mag-adjust. Kaibigan lang naman ako.

"Noong nakaraan 'yon. Now, we're back to being strangers, I guess?"

I saw pain in his eyes. Can he see the same in mine?

"Sabi mo, hindi pa siya ready? Malay mo sa susunod maging ready na siya..."

He smiled but it doesn't seem true. Binasa niya ang ibabang labi. It's shiny now. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi pa ako nag-breakfast. Baka iba ang makain ko...

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon