Chapter 13

28.6K 954 452
                                    

Chapter 13

Deal


Hindi lang pala jersey ang nasa paper bag, kundi sapatos din! Lahat ay puti, at pansin ko ang apelyido sa pambabae kong jersey. Sa pang itaas.

Montevinski

Kunot noo ko siyang binalingan. There's a playful smile etched on his face.

"Hindi Montevinski ang apelyido ko. Pinagawa mo para sa akin, pero apelyido mo ang ginamit."

But deep down here, I find his action very amusing, and at the same time, territorial. Parang inaangkin niya naman ako sa jersey na ito.

"Just wear it, Uoiea. I'm excited to see it on you. I've been waiting a long time for this day to come. Ang dami mo kasing scheduled examinations kaya hindi ako makasingit."

Excitement was really obvious to his tone. Ayaw ko naman sirain ang mood niya kaya sinunod ko na lang. Ginamit ko ang isang bathroom malapit sa isa sa mga living rooms nila. It was perfectly sewed for me. Nakakapagtaka naman kung paano niya nakuha ang sukat ko. The shorts are also exactly similar to my preference. At ang sapatos ay sakto rin! I know they're powerful, but I don't have any idea he has the power to guess my sizes perfectly. Bago pa siya makaharap, naglakad na ako palabas ng mansion nila.

"Wait up! I want to see." Humarang sa aking harap.

I smiled with my hands spread wide.

"Ayos na— Xydon!" I exclaimed when the flash made my eyes closed.

"Damn, may flash," tawa niya at naglakad na habang may ginagalaw sa kan'yang cellphone.

Sinundan ko siya habang naglalakad kami. Terno kami ng suot. Iyan yata ang jersey niya sa tuwing naglalaro sila ng football. He looks clean in overall white. Para kaming couple dahil sa mga suot namin. Same shoes, sama jersey, same surname! Everything!

"Delete mo 'yon! Ang dami dami ko ng pictures sa'yo!" I tried to snitch his phone but to no avail.

Paglabas namin ng gate, nahinto ako nang makita ang ilang pinsan niyang nag-uusap-usap. Their eyes blinked consecutively upon seeing me. Si Xydon naman ay walang pakialam sa kanilang presensya. He's still busy doing something in his phone.

"Uhm, hello..." nahihiyang bati ko. I caught Xydon smirked because of my greeting.

"Woah! Couple 'yan?" asar ni Ate Rhione sabay tapat din ng cellphone sa akin. I heard a shot.

Hindi ako maka-apila. I don't have the courage to do so.

"Parang kailan lang, Xydon, tamang hintay ka lang sa waiting shed nila—" naputol ang sasabihin ni Tiago dahil sa sarili nitong tawa.

Xydon raised his middle finger. Nang lingunin ko, agad niya iyong binaba at hinawakan na ako sa pala-pulsuhan. His cousins cheered.

Mayroon si Ate Rhione, Tiago, Cheonsa, Hiraya and the two grade ten boys. Palagay ko ay rito sila tatambay.

"Saan punta niyo? Sama kami—"

Sinapak ni Ate Rhione si Tiago.

"Sasapaw ka pa. Nood na lang tayo. Bigyan niyo naman sila ng quality time together and alone!" sabay tawa niya dahil sa kilig.

"Si Gray?" tanong ni Xydon habang hawak pa rin ang pala-pulsuhan ko. Cheonsa's eyes are staring at our hands.

"Nasa Gonzaga niya," iling ni Tiago. Parang inggit.

Hinila na ako ni Xydon palayo. Hindi man lang kami nagpaalam sa mga pinsan niya. Alam kong kilala na nila ako. Laman ako ng IG stories ni Xydon, malamang ay mang-uusisa sila.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon