Epilogue 1

47.6K 821 917
                                    

EPILOGUE 1

Xydon Zeus S. Montevinski


Paglabas ko ng bahay suot ang school bag ko, nakita ko na sina Sean kasama si Zage, Zoren at ilan pang pinsan. Nakaparada ang dalawang van at nakabukas. Nasa loob ang ilang babae habang nag-uusap. Ang mga lalaki naman ay nasa labas at naglolokohan. They are all my cousins on my father's side.

Lumapit sa akin si Sean at inakbayan ako sabay gulo sa akin buhok. He's always messing my hair whenever he sees me. Parang ginagawa niya sa kapatid niyang si Zoren kapag wala 'tong magawa.

"Stop it!" busangot ang mukha ko.

He chuckled and looked behind me. "Good morning, Rhione and little Cheonsa!"

Lumipat naman siya sa dalawa kong kapatid. Binuhat niya si Cheonsa. It was just brief because Alanis started crying because of jealousy. Ngumuso lang si Cheonsa kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya.

Alanis is the youngest and she's the most treasured in our clan. Mahal na mahal ni Sean ang mga kapatid niya, kahit si Zoren. Sean is the oldest among us.

Nasa iisang van kami kasama ang tatlong Gray. Alanis is on Sean's lap while she is playing on his brother's phone.

"Tito Gray still doesn't like to buy you a car?" I asked him while we were on our way to the school. Nasa likod kami ng van.

"Yeah. Ayaw pa nga akong matuto na mag-drive..." sagot ni Sean.

"Fifteen ka pa lang naman kasi!" singit ni Maddzion at lumuhod pa sa upuan para lang makita kami mula sa likuran. Nakasandal ang mga kamay niya sa headrest.

"It's not a matter of age, Madz. Skills dapat..." Sean chuckled and looked at Zoren. "I'll buy you a lot of cars someday, Z. Hayaan mo na lang sina Daddy," he said in a playful tone.

"I hope I have a big brother, too!" I said and shook my head.

Ginulo niya na naman ang buhok ko. "Oo, ikaw rin!"

"Bro, ako rin!" si Tiago at sumunod na ang iba na kasama namin sa loob ng van.

He's older than me but I still call him by his name. It just feels so formal whenever I call him Kuya. It sounds girly, alright. It's just that, among my cousins, he's the closest to me. He's just so cool to me. And I feel closer to him if I only call him Sean. Ayaw rin naman niya na tinatawag na Kuya. Unless it's the girls...

Grade six when I transferred here in the Philippines. Bigla na lang na gusto ko na dito mag-aral at hindi sa Dubai. My father owns a company in Dubai. It's the company that he inherited from Lolo Zandro and was assumed to be inherited by me also since I'm the only son.

"Kung ako sa'yo, dapat naghahanap ka na kaagad ng babae mo. I mean, the one that you'd be faithful with for a long time," sabi ni Sean habang akbay-akbay ako.

Naka-sandal kami sa pinto ng van habang hinihintay ang ibang pinsan. Nasa labas kami ng school gate habang pinapanood ang mga lumalabas na estudyante. Most of my schoolmates like Sean so most of the girls were greeting him. Ngumi-ngiti naman siya kasabay ng pagtango.

"I'm too young for that, Sean!" Tinulak ko siya,

Humagalpak siya sa tawa. "It feels good when you like someone, or when you're fencing someone! Dapat habang bata ka pa lang, sinasanay mo na ang sarili mo na maging loyal."

Umiling ako. "That's why almost all the girls here in town like you because of your false charm! Loyal-loyal ka riyan??"

I don't know much about his lovelife, though. I just know that he has liked someone since he was still young. Nakita ko na 'yon noon, pero hindi na ako pamilyar sa kan'ya noon.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon