Chapter 36
Birthday Party
I just know that I agreed because of Rios. Ang ningning sa mga mata niya noon ay parang nanghihigop. And now I'm in trouble. How could I go to their party after what happened? Hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan.
I'm not thinking about it that much anymore, but I'm aware that the mood would be awkward between us all. I am still disappointed with them, not boiling in rage anymore. Inisip ko na ang lahat para lamang maintindihan ko rin ang side nila.
Binasa ni Anikka ang invitation kahit wala namang gaanong mababasa roon. Kumot ang noo niya at bumuntong hininga.
"Kayong dalawa lang ni Aya? E, paano kung mangyari ulit 'yon?"
Bumuntong hininga ako sa upuan ko. "They already apologized to me. Para lang din naman sa bata ito..."
"Can I come?" taas ang kilay nitong sabi sa akin.
I nodded. "Ayos lang naman daw. Tinanong ko si Rhione. Ayos lang..."
The boy will turn five. Naging espesyal na rin sa akin ang bata kaya gusto ko rin talagang dumalo para sa kan'ya. Kahit pa hindi ako komportable, saglit lang din naman...
Ganoon pa rin ang ginagawa ni Xydon. Araw araw na nasa baement ng hospital I know what he wants. Gusto niya akong kausapin, gusto niyang makipag-ayos, gusto niyang humingi ng tawad... I could see it all from his eyes. Pero hindi siya umiimik kahit isang salita sa tuwing nagkikita kami sa basement. He would just stand and stare at me like he wants to hold me so firmly.
Hindi ko alam kung anong mas gusto ko. Tahimik siya, o kinakausap ako...
Sa opisina ay inaasar nila si Jasro dahil sa bagong doctor ng Hospital. Mas bata lang ng dalawang taon sa amin.
"Ikaw, a? Hindi ka loyal ka Weya!"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Demi. Ako na naman. Palagi na lang ako. Aaminin ko na minsan ay parang gusto ako ni Jasro, pero hindi ko naman sineryoso 'yon.
"Yieeeh," si Jaya. "Jasro plus Weya, Jaya!" At humagalpak ito na parang wala ng bukas.
Tawang tawa rin ako roon. Hindi ko napigilan ang tawa ko. Hindi naman natutuwa si Jasro sa amin.
"I can't continue liking someone who never stopped loving her first love," anito sa akin, sa mga mata ko mismo kaya natikom ang bibig ko.
"Wala bang filter 'yang bunganga mo, Jasro? Sapakin kaya kita?" si Anikka at masama ang tingin kay Jasro.
Napailing-iling na lamang ako. The statement wasn't supposed to impact me, pero bakit parang natamaan ako hanggang buto? Dahil doon ang dami ko na namang tanong. Hindi ko na nga lang inanyayahan pa ang mga palaisipan.
The next day, nagplano akong bumili ng bagong dress para sa birthday ni Rios. Pumasok ako sa isang mamahaling clothing line. Balita ko ay fiance na ng isang Montevinski ang may-ari sa line na ito.
I chose a white dress that is few inches before my knees. Formal daw kasi ang birthday party kaya sa tingin ko ay ayos lang na mag-dress ako. Binilhan ko ring ng pink na dress si Aya at bagong sapatos. I didn't buy a new stiletto anymore since I just bought a new one in the US when we had a vacation.
I was just looking for a bag for my Mom when I saw a familiar woman looking at me. Nang mahuli ko ang kaniyang mga mata ay nahihiya itong ngumiti sa akin. I was curious when I saw new pair of expressive eyes on her face.
Lumapit sa akin si Chantal.
"It's been a while... Kumusta ka na?" she asked with a bit of hesitation in her voice.
BINABASA MO ANG
Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETED
RomanceMONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always feel unlovely and a second option. And here comes the embodiment of a Greek God, Xydon Zeus Montevinski, a hot football player who can always...