Epilogue 2
Xydon Zeus S. Montevinski
Maaga akong nasa eskwelahan nina Cheonsa para iabot ang nakalimutan niyang notes. I was also waiting for Weya so I could have a glimpse of her before I went to the university.
Mula sa malayo, nakita ko siyang nakatitig sa isang lalaki na malapit sa isang estudyante. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang lalaki. I think it's her dad... with her daughter from a different woman.
Hindi ko maalis ang titig ko sa kan'ya. Her eyes look peaceful, but I could see jealousy in it. I wonder what's going on inside her mind. That must've hurt her a lot. Ang makitang malapit ang ama niya sa anak nito sa labas... Tipid na lang siyang ngumiti at naglakad na parang walang nakita sa araw na 'yon.
When you like someone, it's like you have two hearts. Sa tingin ko lang, dahil sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, nalulungkot din ang puso ko. It's like our hearts are in sync. Mali pala. Sa akin lang dahil ako lang naman ang may nararamdaman sa aming dalawa. She doesn't care about me.
"I heard you turned Janice down?" Nakangisi si Trevor nang itanong 'yon sa library.
My eyebrows furrowed with irritation. "Stop making everything a big deal. E, hindi ko nga gusto."
He smirked. Kami lang dalawa ang magkasama ngayon.
"'Yong bata pa rin ang gusto mo?"
"Grade eleven na siya."
Mas lalong lumapad ang kan'yang ngisi, nagpipigil ng tawa. Akala mo kung sinong malinis! They should be lucky that I barely meddle with their private matters. Kabaligtaran naman sila sa akin. Napakahilig nilang mang-usisa.
"Janice is a model, bro! Kapag tapos na siyang mag-aral, diretso na 'yon sa US para sa isang malaking modeling agency..."
I can't help myself but frown. Do I look like I care? I don't even know her personally. Ni hindi ko alam na naging kaklase ko siya noon. I just really don't care about girls.
"Maganda naman si Janice. Why did you drop her down? Baliw na baliw ka siguro sa grade eleven mo, ano?" pagpapatuloy niya.
Siya ang nagyaya rito sa library pero siya itong walang interes sa pag-aaral. Ano, tsismis ang sadya niya sa akin kaya hinila niya ako rito? I was busy with my thesis yet he's dragging me with his gossiping.
"Kung maganda 'yon, e 'di, sa'yo na..."
I hate whenever they're stressing that I'm in love with someone who's too young for me. Alam ko na mas bata siya, at wala pa siya sa tamang edad kaya nga hirap na hirap ako... At sa ginagawa nila, mas lalong nahihirapan ang isip ko.
"Sa'yo na, a! Meron na sa akin..." anito sabay ngisi habang pinaglalaruan ang labi.
I frowned even more at that. Hindi ko alam kung bakit para akong na-stress dahil kay Trevor. Man, he's beyond belief!
Mas lumakas ang pang-uusisa ng mga pinsan at ilang kaibigan ko sa akin nang naging sunod-sunod ang pag-ignora ko sa mga babae. I don't know why some girls couldn't read my actions. Mahirap ba na ma-realize na ayaw ko nga sa kanila? Ayaw ko sa kolehiyo, ayaw ko sa ibang babae. I'm already settled!
"Kuya, kaibigan ko 'yon... Talagang sinabi mo sa kan'ya na may iba ka nang gusto?" gulat na gulat si Rhione pag-uwi ko sa bahay.
"Pati ba naman ikaw, Rhi? Tigilan niyo na nga ako..."
Dumiretso ako sa loob ng bahay. Si Cheonsa ay nasa sofa habang nag-aaral. May iPad at MacBook sa kan'yang lamesa. Buti pa ito, bihira lang magtanong...
BINABASA MO ANG
Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETED
RomanceMONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always feel unlovely and a second option. And here comes the embodiment of a Greek God, Xydon Zeus Montevinski, a hot football player who can always...