Chapter 18
In Love
Habang tinitignan ang kapatid ni Booz, parang gusto ko nang magkaroon ng anak. Natatawa na lang ako sa katotohanan na grade twelve palang ako, at bawal pa dahil hindi pa handa.
"I hope you can go in our house, too! Let's play in my playroom!" sabi ni Trace habang hawak ang ilang daliri ko.
She's grade three and we love each other's company. Kapag mag g-grocery ang kan'yang yaya, sa akin muna siya iniiwan. Her yaya trusts me so much, dahil din siguro sa estado ko sa buhay. At isa pa, kilala rin si Mommy bilang isa sa mga mahuhusay na doktor. Kasama niya ang ina ni Kesian at ilang pang kakilala.
"Pwede naman!" sabi ko habang naglalakad kami paikot-ikot dito sa public park.
"Do you know Chantal, Ate Weya?" tanong niya na ikinagulat ko. I already know that Booz likes her, pero nabigla pa rin ako.
"It's Ate Chantal, Trace, okay? At bakit?"
Umirap siya kaya bahagya akong natawa. She's not the type of a kid who will roll her eyes for something. Kaya 'yon nga ang ikinabigla ko. May dahilan panigurado...
"We don't get along! Kaibigan siya ni Kuya at madalas siya sa bahay namin. Ang arte niya, Ate Weya."
She's swaying our hands while we're viewing the wonderful park.
"Paano mo naman nasabi?" My sharp eyes turned into slits.
"She doesn't want to talk to me. One time, I asked her if I could play with her but she refused! She even rolled her eyes at me..."
Pinasadahan ko ang aking ibabang labi. Gano'n siguro talaga siya kahit kanino. Dati, nakakasalamuha ko siya, pero patagal nang patagal, nawawala na rin ang ugnayan namin. Gano'n yata talaga ang kan'yang ugali. She can hate someone irrationally. Kita mo nga, kahit bata pa...
"Hayaan mo na lang, okay? Nandito naman si Ate Weya, a? I can play with you instead!" my statement was followed by a sweet chuckle.
She laughed and her eyes turned chinky. Gustong gusto ko itong bata lalo na't magkahawig kami ng mga mata. They are sharp, too, as mine.
"That's why I love you so much! I always get to play with you!"
I smiled and we continued walking around. Binilhan ko siya ng mga gusto niyang pagkain at laruan. Hindi ko mawari kung gusto ko bang magka-anak o kapatid ulit. Ayaw naman na ni Mommy...
Sinundo na rin sila ng driver matapos mamili ang kan'yang yaya. Ako naman ay hinintay si Xydon dahil tutungo kami sa kanilang mansion para gumawa ng school works. Tutulungan niya ako sa computation ng aming thesis. I need to get this done so I could focus on my upcoming fight for the inter-high.
"Hi!" bati ko paglabas ni Xydon sa kan'yang sasakyan.
He smiled and went to me. Nakaupo kasi ako sa isang wooden bench.
"Hey. Where's Trace?" tanong niya sabay halik sa aking noo. It made my heart go wild like his keys being jungled on his finger.
"Uh, u-umuwi na," utal kong sagot at umusog para mabigyan siya ng tamang espasyo.
He occupied the seat I gave him. Nakaharap ang kalahating katawan niya sa akin. He's wearing his usual white long sleeve paired with black pants. Siguro iniwan niya ang coat niya sa kaniyang sasakyan. Galing kasi siya sa kumpanya ng kaniyang lolo.
"May gusto ka bang bilhin bago pumunta sa bahay? Or... do you want to walk around?" mahinahong sabi niya, parang mga alon sa madilim na gabi.
I nod while showing him my heightened smile. "Sige! Kahit isang beses lang tapos tara na..."
BINABASA MO ANG
Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETED
RomanceMONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always feel unlovely and a second option. And here comes the embodiment of a Greek God, Xydon Zeus Montevinski, a hot football player who can always...