Chapter 17
Love
Tawa ako nang tawa habang inaasar nila si Kuya Jeymz tungkol sa pagkagusto niya sa 'kin noon.
"Mga gago, noon lang 'yon!" anito sa mga kaibigan pero sa akin tinapon ang tissue.
Umilag ako habang tumatawa. "Bakit namamato?"
"Patahimikin mo nga sila, Weya! Lagot ako sa girlfriend ko nito!" aniya pero natatawa naman.
May girlfriend kasi siya sa Cebu. Hindi naman makapunta dahil busy daw sa school works.
"Tama na, mamaya bumalik ang feelings," sabi ni Kuya Dech, kapatid ni Demi.
Umiling-iling ako at uminom sa red cup ko. Kaonti lang ang iniinom ko dahil bawal akong magpakalasing. Gusto kong i-check ang cellphone ko kaso naalala kong iniwan ko pala sa kwarto ni Jaya.
Nang dumami na ang mga lalaki sa poolside kung saan kami nagbibiruan, pumunta na kami sa malaking modern hammock kung saan medyo malayo sa kanila. Kasya kaming apat doon.
"Nag story ako, a? 'Yong inaasar natin si Kuya, tapos noong nag-uusap kayo," sabi ni Jaya at gumalaw ang hammock dahil sa paggalaw niya.
"Huwag kang magulo, Jaya! Nakakahilo..." si Demi.
"Anong story? Pakita nga ako."
Lumapit ako sa kan'ya at dinungaw ang cellphone niya. The background was loud and the crowd was wild, too. Magkatapat kami ni Kuya Jeymz habang inaasar kami. Tawa lang kami nang tawa sa lahat ng videos sa kan'yang IG stories.
"Uy, nakita na ni Xydon. Finollow ako niyo dahil story ako nang story na kasama ka."
Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. Wala namang meaning ang asaran kanina, pero bakit parang guilty ako? This is not about getting him jealous... Ayaw ko palang pagselosin dahil baka lumipat sa iba.
Mas naging matao sa pool area kumpara sa loob ng bahay. May mga serbidora na lumilibot kaya hindi na namin kinailangan pang pumasok sa loob para kumuha ng mga kailangan namin. Nagtagal kami sa hammock.
Hindi ko namalayan na napakarami na pala ako ng inom. Nararamdaman ko na ang sapak ng alak sa sistema ko.
"Gaga ka! Kanina pa raw tumatawag sa'yo ang nanay mo! Bakit mo kasi iniwan sa kwarto ko?"
I groaned and lazily stood up. "Sige, kukunin ko na..." medyo hilo kong sabi at umalis na sa hammock.
Pagpasok ko sa bahay, nagsasayawan ang mga tao. Natapunan pa ng beer ang halter cropped top ko. Naku, puti pa naman... Tumatalon kasi ang iba kaya nabangga ako. Hindi ko na alam kung sino...
Kumunot ang noo ko nang naramdaman na may sumusunod sa akin. Pamilyar ang mukha niya nang lingunin ko. Nasa second floor na ako at nasa likuran ko lang siya. Halatadong ako ang sadya.
"Lasing ka na..." bigkas niya at inayos ang kan'yang buhok.
"Sino ka?" tanong ko.
Nagkamot siya sa batok. "Uh, Karl... Magtatanong lang sana kung saan ang—"
Biglaang may tumulak sa kan'ya na ikinagulat naming dalawa.
"Anong binabalak mo?" Tinulak ulit ni Xydon iyong Karl. "Ha?" Isa pang tulak.
Nagtaas ng dalawang kamay si Karl. Ako naman ay hinila si Xydon palayo sa kan'ya. Nahirapan ako dahil matigas at malaki ang katawan niya.
"Xydon, ano ba?!"
Hindi niya inaalis ang nanlilisik nitong mga mata kay Karl. Parang takot na takot naman itong lalaki kaya umalis na lang. Susugurin pa sana ni Xydon pero hinila ko ang polo nito. Buti na lang at walang katao-tao rito sa parte namin.
BINABASA MO ANG
Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETED
عاطفيةMONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always feel unlovely and a second option. And here comes the embodiment of a Greek God, Xydon Zeus Montevinski, a hot football player who can always...