Chapter 20
Connection
I couldn't sleep well. The day after we officially became a couple was the day Kenzie was hospitalized in our equipped clinic. Nasaksihan ko kung paano natakot si Kesian habang pinapanood ang kapatid niyang walang malay at may dugo sa pala-pulsuhan. I tried hard to give her comfort and assurance that nothing about the incident would be spilled out.
Nasa kama ko kaming apat na magkakaibigan. We were silent while watching but I know our minds were elsewhere.
"There's really no perfect family..." walang gana ang boses ni Demi habang yakap yakap ang unan at nakasandal sa headboard. Sa hita niya ay ang ulo ni Anikka.
"Hindi ko alam kung bakit basag na basag ang puso ko. Hindi ko naman pamilya 'yon, pero nadadala ako..." malungkot na sambit ni Jaya na ang ulo ay nasa hita ko.
"Parang sa akin lang, pero sa kaniya kasi, dalawang magulang niya..." si Anikka.
"Walang lalabas, please? Let's respect her privacy. Marami ng problema 'yong tao, huwag na nating dagdagan," sabi ko sa kanila kahit alam ko namang hindi talaga nila ipagsasabi kahit kanino.
They say, everyone else will leave you behind, but family will always stay. But sometimes, it's the other way around.
Kahit kay Xydon, hindi nakarating ang mga detalye.
Hindi kami nakapagkita ni Xydon ng ilang araw dahil sa mga problema nila. Umalis din kasi ang ilang pinsan niya papunta sa ibang bansa. He really wanted to go to me, but I said no. Sabi ko, family and personal problems muna. Palagi naman siyang tumatawag kaya ayos lang.
"Itong tatay mo, galit na galit dahil sa pag-publicize ni Xydon sa relasyon niyong dalawa. Naiinis ako! Ay, no! Nagagalit ako, Ishan!" sigaw ni Mommy pagbalik sa dining table. Si Daddy yata ang kausap kanina sa hardin.
I smirked with a glimpse of sadness. Dapat sana masaya siya, pero hindi.
"Nag message din sa akin, My. Hindi ko na lang binasa dahil bungad pa lang, alam kong hindi ko na magugustuhan," may pumuslit na hagikgik sa aking labi. It wasn't genuine.
"Gusto kasi ng anak niya sa labas si Xydon, 'di ba?" Tinanguan ko 'yon. "Iyang ama mo talaga parang hindi mo ama!" anito at umupo na sa dining chair.
Umikot ang usapan namin kay Daddy at kung gaano raw ito katanga sa mga desisyon niya sa buhay. Hindi ko na lang hinayaan na magtagal sa utak ko ang mga narinig dahil baka mawala na naman ako sa kondisyon.
Si Xydon na ang naghahatid-sundo sa akin dahil busy si Mommy sa probinsya. Minsan kasama ni Mommy si Tita Cha dahil proyekto naman nilang dalawa 'yon. Madalas tuloy ang sleepover ni Xydon sa bahay. Hindi nababahala si Mommy dahil malaki ang tiwala niya kay Xydon. Kahit ako naman...
Malapit pala ang condo ni Xydon sa condo unit ni Booz kaya bumibisita sa amin si Trace kapag nasa unit kami.
"Xydon, kunin mo raw 'yong pagkain niya sa bag pack niya!" sigaw ko mula sa living room. Nasa kitchen kasi si Xydon— nagluluto ng siomai.
Masama ang titig niya pagbalik sa kung saan kami. Alam ko ang titig na 'to kaya natawa ako. Gusto niya kasing baby ang itawag ko sa kaniya! Tinatawag ko naman siyang baby pero madalang dahil nahihiya pa ako!
"Thanks—" naiwan sa ere ang boses ko dahil nang kukunin ko na ang supot ng candies, itinaas niya. Nakahiga kasi kami ni Trace sa sofa bed.
"Thanks, what?" taas ang noong aniya.
Humalakhak ako. "Dali na! Ibigay mo na..." Hindi ko mahablot dahil nakasandal sa akin si Trace na tumatawa sa aming dalawa.
"Thanks, what, baby?" Binigyang diin niya ang huling salita.
BINABASA MO ANG
Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETED
Storie d'amoreMONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always feel unlovely and a second option. And here comes the embodiment of a Greek God, Xydon Zeus Montevinski, a hot football player who can always...