-2-

60 1 0
                                        

"OFF

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"OFF."

Itinigil ni Off ang pag-eempake at tiningnan ang kapatid niya na bitbit ang kanyang pamangkin. He immediately smiled when he saw Nirin.

"What brings you here, Am?"

"Final na ba talaga ang desisyon mo na magsettle sa Philippines?" Napakamot nalang siya ng ulo sa tanong ng kapatid.

"Don't worry about me—." Umismid ito.

"I'm not worrying about you, mas nag-aalala ako sa possibleng maging gulo na dadalhin mo sa Pinas. Matanda na sina lolo at lola please lang huwag mo na silang bigyan ng sakit ng ulo."

"Akala ko pa naman ay mag-aalala ka sa akin."

"Why would I? Kaya mo na ang sarili mo, ilang gulo na rin ba ang nalusutan mo? You have money and connections." Tumawa siya sa sinabi ng kapatid.

"That's true though, nagsasawa na ako dito sa New York and it has been two years since nakabalik ako sa Pinas. I missed Mild too at kailangan ko rin asikasuhin ang itatayong hotel doon."

"Ilan ba balak mong itayo d'on."

"I don't know yet, maraming investors ang gustong mag-invest. Tinitingnan ko lang kung maganda ang mga proposal nila at kailangan ko rin tingnan ang place." Tumango-tango ito.

"Sana business lang ang ifo-focus mo doon, tandaan mo Off iba ang mga tao sa Pinas at iba din sa NC. Kung ang ginagawa mo dito ay normal na sa iba pwes doon ay hindi, just tame it down please."

Sumaludo lang siya. Wala na naman talaga siyang balak na gawin ang mga bagay na ginagawa niya dito. He is doing it for fun and comparison... comparison, but there's nothing to compare. Iba pa rin iyong taong iyon. That person taste differently and he wants to taste that person more. Hahanapin niya ito at gagawin niyang lahat makuha lang ang taong iyon by hook or by crook.

"Ipapaayos ko na ang bahay natin sa Pilipinas—."

"No ate, it's okay. Ako na ang bahala sa bahay, sinabihan ko na si Mild na sa penthouse muna ako since iyon ang pinakamalapit sa office natin sa Pilipinas. I still don't have a car yet to travel, I won't be using the old one I have."

"Okay. Sino ang susundo sa'yo?"

"Arm. Susunduin niya ako sa airport at ihahatid sa penthouse."

"Well, that's good. Sige ayusin mo na ang dapat ayusin ang call me if you need some help." Nag-thumbs up lang siya sa kapatid, pagkaalis nito para patulugin ng maayos si Nirin ay inayos na niya ang mga dadalhin. Wala naman siyang ililipat, some of his clothes and documents lang. Ipapa-cargo ship nalang niya iyong iba or he'll buy new.

Napatingin si Off sa laptop nang mapansin na may tumatawag sa kanya and when he checked it ay si Arm iyon. He immediately accepted the video call.

"Yow, Off." Bati ng kaibigan.

Best Mistake (OffGun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon