Gun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAGISING si Gun ng may tumapik sa kanyang pisngi and when he opened his eyes he saw Chimon and Nanon.
"Dito na tayo Chef."
"Kanina pa tayo nag-land?"
"Mga fifteen na minutes na rin po." Sagot ni Nanon. Gun stretched his tired limbs and stood up. Finally, after two years of constant travels literally country hopping ay napag-isipan na rin niya sa wakas na umuwi. His friends, no one knows that he's bound to Philippines today. Sinabihan din niya sina Chimon and Nanon na huwag sabihin kahit na kanino.
"Let's go, nagugutom na ako. I missed Filipino food." Nakangiting yaya ni Gun sa dalawang kasama. Parehong nakapagtapos na ang dalawa sa college a year ago at dahil gusto niyang maging main chef ang dalawa sa bagong ATPoint na itatayo niya kaya minabuti niyang isama ito sa kanyang pagliwaliw sa ibang bansa. They rested and tasted variety of foods, the two even helped him in creating new menus for the new resto.
"Hindi ka po diretso sa condo mo, chef?" Takang tanong ni Chimon. Maliit na ngiti ang ibinigay niya dito.
"Nah, sa hotel ako mag-e-stay tonight. Hindi ko pa feel ang umuwi at baka madatnan ako ni New doon, ayoko munang mamigay ng ayuda pagod pa ako." It's past eight na rin at gusto pa uli niyang matulog. "Kayong dalawa ang bumalik sa condo niyo after our dinner. Magpahinga kayo until tomorrow dahil sa susunod na araw ay magpa-plano uli tayo ng menu. Mixx can't wait to have the recipe."
"Sige po."
Nagsilabasan na ang tatlo sa eroplano at habang naglalakad ay biglang may lumapit kay Gun.
"Oh my, ikaw iyong model sa magazine. Ang cute mo in person pwede bang magpapicture?" Group of teenagers are now blocking their way. Nakalimutan pala niyang magsuot ng mask. Magdadalawang taon na rin since na released ang magazine kung saan siya naging substitute model. Hindi niya akalain na may makakaalala pa sa kanya though he received numerous invites magalang na tinanggihan iyon ni Gun unless may kinalaman sa pagluluto at sa ATPoint ay hindi siya nagmo-model.
Walang nagawa si Gun kundi ang pagbigyan ang mga ito pero pagkaalis ng nagpapicture ay nagsuot na siya ng mask saka sinagot ang tawag ng Grab driver para makasakay na silang tatlo at makakain.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.