"CHEF GUN." Untag ng assistant chef niyang si Mixx. "Okay ka lang po ba?"
"Huh? Yeah, I'm fine. May kailangan pa bang i-prepare?" Umiling ito.
"Chef, mag-iisang linggo ka ng tulala minsan. Baka gusto mong magrest muna?" Pag-aalala nito sa kanya.
"It's okay, I'm fine."
"Kaya na naman namin ni Earth dito sa kitchen. Magrest po muna kayo, I swear you don't look good. Baka bigla ka nalang bumagsak dito sa kitchen." Napabuntong-hininga si Gun dahil ilang araw na rin siyang walang maayos na tulog.
His anxiety is attacking him like hell.
"Alright, uuwi muna ako. Please call me if may problema sa resto at may darating na mga VIP clients today asikasuhin niyo sila, okay?"
"Walang problema chef, mas nag-aalala kami sa'yo."
Pagkatapos ayusin ang ilang bagay ay agad siyang lumabas papunta sa parking lot, tamang-tama pagpasok niya ay may dumating at tumabi sa kanyang kotse. Nagtaka si Gun dahil hindi pamilyar sa kanya ang kotse, magara iyon at kung sino man ang may-ari ay halatang mayaman.
May pwersang nag-uutos kay Gun na huwag munang umalis at hintayin ang bababa dahil nacu-curious talaga siya. Ganoon na lamang ang kanyang kaba nang bumaba ang driver ng luxury car... Off?! Napatingin si Off sa gawi niya at laking pasalamat niya na tinted ang bintana ng kanyang kotse, literal na heavily tinted.
Hindi race car driver si Gun pero nang mga sandaling iyon ay wala siyang pakialam kung mabigyan man siya ng ticket dahil mabilis niyang pinaharurot ang kotse palayo sa parking lot.
"Anong ginagawa niya sa restaurant ko?" Tanong niya sa kanyang isip. "No Gun, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Nakapag-isip ka na hindi ba? Pwedeng hindi na niya naalala ang nangyari dahil normal na sa kanya ang mga one night stands. Hindi ka pwedeng kabahan, ano naman kung may nangyari sa inyo? Ano naman kung ginantihan ka niya?"
Inihinto ni Gun ang kotse sa gilid at isinubsob ang mukha sa manibela. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang iniisip kung sino ang nagawan niya ng masama. Kung sino ang nag-utos kay Off na gantihan siya. Paano kung may tao pala siyang nasaktan ng hindi niya alam?
BINABASA MO ANG
Best Mistake (OffGun AU)
Short StoryGun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...