"ISN'T it too much?" Takang-tanong ni Off ng halos lahat ng tindahan sa palengke ay hinihintuan niya at kapag may nakita siya ay bibilhin niya.
Tinaasan niya ito ng kilay. "May reklamo ka? I told you to wait in the car pero nagpumilit kang sumama." Sabi niya at ibinigay ang mga plastic na may laman ng pinamili niya. Ginawa niya itong taga-bitbit.
Isa pa sa kinainisan niya ay ng makipag-away ito sa kanya kanina, sinabihan siya ni lola na sensitive ito sa dusts, pollen, at kung anu-anong germs sa hangin kaya dapat magsuot ito ng face mask pero walang ganoon ang kotse nito at ayaw din naman niyang magrisk na bumili sa palengke para dito dahil kutis mayaman ang isang ito. Mahirap na siya pa ang pag-alagain dito kung magkasakit ito so they settled sa face shield. Ayaw sana niyang magsuot dahil naiinitan siya pero ayaw siya nitong pababain ng kotse. Halos thirty-minutes din silang nakapark bago sila nagkasundo.
Habang namimili ay napansin niyang bigla itong nawala kaya mabilis niya itong hinanap, nasa isang stall lang pala ito na may tinda na kung anu-ano. Knowing that Off is just around the corner nagpatuloy siya sa pamimili. Nami-missed na talaga niya ang mamili sa palengke, it has been awhile.
"Huh?" Tumingalasi Gun ng mapansin na biglang nawala ang init na kanina pa tumatama sa mukha niya. May nakabukas na payong sa ibabaw ng ulo niya at ng tingnan niya ay si Off pala ang may bitbit ng payong.
"You are sweating a lot." Sabi nito. "Baka naiinitan ka." Off smiled sweetly at him making him incapable of thinking a remark like... kaya ko naman ang init o nagsasayang ka lang ng pera o hindi ko sinabing bumili ka.
"Thanks." Iyon ang lang nasabi niya at nagpatuloy sa pamamasyal sa palengke ng biglang...
"Off?"
"Oh, Aom?" Napatingin din si Gun sa tumawag kay Off. Mas maliit ito sa kanya at maganda, halata ang saya sa mukha ng babaeng bagong dating ng makita si Off.
"How are you? Ang tagal mo ng hindi nagagawi dito at hindi ka rin nagpakita noong reunion natin."
"I'm quite busy that's why."
BINABASA MO ANG
Best Mistake (OffGun AU)
Krótkie OpowiadaniaGun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...