-8-

43 2 0
                                    

KATATAPOS lang na magluto ni Gun ng breakfast, maaga siyang nagising dahil nakatulog siya sa pagod last night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KATATAPOS lang na magluto ni Gun ng breakfast, maaga siyang nagising dahil nakatulog siya sa pagod last night. Nadatnan niya ang mga kasambahay na naghahanda ng makakain sa kusina at dahil nasa dugo na niya ang pagluluto kaya he offered to help. Noong una ay umayaw ang mga ito dahil nahihiya sa kanya pero nag-insist siya.

He wasn't expecting na medyo marami pala ang iluluto ang sabi ng mga katulong ay may darating na bisita ang senyora. Wala namang sinabi si Mild na may darating na iba pang mga tao sa bahay ngayon. Baka hindi rin nito alam.

"Mukhang nandiyan na ang mga bisita." Pansin ng isang katulong na si Lily. "Naririnig ko na ang mga sasakyan sa labas."

"Salubungin mo muna Lily, ihahanda ko na ang hapag para makakain na sila. Benz tulungan mo si Lily na hakutin ang mga gamit ng bisita."

"Sir Gun, kami na po ang bahala dito. Pwede na po ikaw na magpahinga ang laki ng abala niyo po sa pagtulong sa amin."

"Naku Aling Marilyn okay lang po talaga sanay na rin po ako sa kusina. Tulungan na ko na rin po kayong mag-ayos ng dinning table." Ngumiti lang ang mga ito sa kanya dahil wala namang magagawa ang mga ito since palagi naman siyang ganito kapag nandito.

Hindi niya nakita ang mga bagong dating na bisita, mukhang umakyat na sa second floor ang mga ito.

"Good morning Gun."

"Good morning, lola."

"Kapag talaga nandito ka palaging masarap ang pagkain."

Mahinang tumawa lang si Gun sa sinabi nito. "Tumulong lang po ako pero sina Aling Marilyn po talaga ang nagluto."

"Maupo ka na dito sa tabi ko." Nasa pinakagitna ng mesa nakapwesto si lola habang siya ay umupo sa may tabi nito. Inutusan nito na tawagin na ang mga kaibigan niya, nagpresenta sana siyang siya nalang pero ayaw siya nitong pakawalan. Nagkakape sila ng isa-isang nagsidatingan ang mga inaantok pa na mga kaibigan.

"Good morning lola, good morning Gunnie." Bat ini Mild na nakapantulog pa. Umupo ito sa kaharap ni Gun na katabi rin ng lola nito.

"Good morning din apo."

"Morning lola!" Bati ng mga kaibigan.

"Lola, bakit ang dami po yatang plates?" Napatingin si Gun sa mesa dahil sa tanong ni Win. Tumulong siya sa pag-aayos at ngayon lang niya napansin na marami ngang mga plato doon.

"May mga dumating na bisita, nasa itaas pa sila sasabay sila sa atin na kumain."

"Marami po bang gwapo?" Nagningning ang mga mata ni Coo habang nagtatanong.

"Marami."

"Hello beautiful people of the universe!" Sabay silang napalingon sa may-ari ng boses.

Best Mistake (OffGun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon