WALANG masabing dahilan si Off ng komprontahin siya ni Mild pagka-uwi niya. Pagod na pagod siya dahil sinuyod niya ang buong palengke sa kakahanap kay Gun. He can't even blame the guy dahil may kasalanan naman siya, nakalimutan niya ang oras at nang ma-realized ang oras ay napamura nalang siya.
"I'm sorry okay, nakalimutan ko ang oras." Inirapan siya nito.
"Sa susunod kuya, kung magpepresenta kang sumama sa isang tao huwag mong iwanan. Tanga ka ba? It's an unfamiliar place, paano kung may magka-interes kay Gun doon?" Biglang kumabog ang puso ni Off sa sinabi ni Mild. Nawala sa isip niya iyon. "Gun looks rich at tingnan mo nga ang suot niya kanina? Damit lang niya Kuya Off ay pwede ng magpakain ng pamilya sa isang buong buwan. Paano kung may holdupper? Paano kung makidnap siya?" Ayaw niyang pinagtataasan siya ng boses. Kahit na kanino, not even his parents can do that but this time he'll accept everything dahil kasalanan naman talaga niya
"Magpasalamat ka at mabait si Gun, he said he's okay and he's fine." Nagtagis ang mga ngipin ni Mild. "Kung hindi mo kilala ang kaibigan ko maniniwala siyang okay at fine lang siya but he's not." Mild's voice cracked as if she's in the verge of crying.
"Mild?"
"I hate you kuya!" Nagwalk out ito at malakas na sinara ang pintuan ng kanyang silid. Asar na hinila ni Off ang buhok and that night hindi siya sumama sa mga ito na magdinner. Nawalan siya ng gana. Gusto niyang maka-usap at humingi ng tawad kay Gun.
It's past eleven when Off woke up, nakatulog pala siya sa kakaisip kanina. Agad siyang tumayo sa kama at lumabas papunta sa balcony. He tried to open Gun's glass door but it was locked, using the spare key that he has he opened it. Kumunot ang kanyang noo ng makitang walang nakahiga sa kama nito.
"Where is he?" Ang nandoon lang ay mga plastics na may lamang kung anu-ano na hindi pamilyar sa kanya. He probably bought them when he's not around. Off's chest suddenly constrict... it aches. "Damn Off."
Bumalik siya sa silid niya at lumabas gamit ang main door. He really needs to apologize.
"Off? Saan ka pupunta?" Tawag ni Arm na eksaktong kalalabas lang ng silid nito.
"Where's Gun?"
"Nasa kay New, ayaw paalisin ni New." Kumunot ang kanyang noo.
"Why?"
"Noong umuwing mag-isa si Gun kanina ay pakiramdam ko susuntukin ka talaga ni New kapag nakita ka niya. I don't know the story pero may nangyaring ganito na kasi dati kay Gun, nabanggit lang ni Alice. Sa nalaman ko ay may isang kapatid ang daddy ni Gun na nakipagsabwatan sa yaya ni G noong bata pa siya, mga around seven years old. Dinala sa park si G tapos nagpaalam lang na may bibilhin tapos kinuha at tinago si G ng tita niya. Natagpuan siya sa isang abandonadong bahay ng mga magulang at mga pulis. Nahuli din naman ang mga kidnappers at napagbayaran na rin ang nangyari."
BINABASA MO ANG
Best Mistake (OffGun AU)
Short StoryGun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...