Gun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"GOOD MORNING, Bub." Nakangiting bati nang pinsan niyang si Newwie nang makapasok na ito sa restaurant niya. Nakasuot ito ng sumbrero at itim na mask. Kung hindi niya ito kilala ay malamang hindi niya talaga makikilala ang pinsan niya sa ayos nito.
"Maaga ka yata ngayon?" Inayos niya ang suot na apron, wala pang mga costumers kaya pwede pa siyang hindi magsuot ng chef's uniform.
"I'm hungry, give me the best meal." Ngumiti lang siya sa pinsan at tinawag ang assistant chef niya para ihanda ang usual na breakfast ng pinsan. "Nakakagutom talaga ang sermon ni Alice." Reklamo ng pinsan sa manager nitong si Alice.
"Don't tell me tinakbuhan mo na naman si Alice? Alam mo naman na alam niya kung saan ka hahanapin." Umupo siya sa bakanteng upuan kaharap ni New.
"Masyadong hectic ang schedule ko ngayon. Ang tagal na rin noong huli tayong lumabas." His cousin is a model, an in demand model.
"I'm free anytime you guys are free." Karamihan sa mga kaibigan niya ay mga sikat na model o kaya naman ay artists. Kung hindi sana sa katangahan na ginawa niya ay baka isa din siya sa mga ito... past is past, hindi na niya kailangan pang balikan ang mga iyon.
"Clubbing tayo sa Friday tapos sleepover tayo sa penthouse ng cousin ni Mild."
"Okay lang ba kay Alice?"
"Madali namang kausap si Alice basta magpaalam lang sa kanya in advance. I need to unwind dahil may shooting ako next week."
"Shooting?" Ngumiti siya habang tinatanong iyon. "Oh my, pumayag ka na maging artista?" Excited na tanong niya.
Ngumiti si New pero batid niyang may lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
"Tayong dalawa sana ang magiging—."
"New, I'm really fine. Masaya na ako sa trabaho ko ngayon, masaya na ako sa negosyo ko." Tukoy niya sa resto. "At saka ang laki ng ambag niyo dito, dahil sa inyo ay mas lalong dumarami ang mga costumers ko. Mag-picture uli kayo dito tapos post mo sa social media."
"Ouch." Maarteng inilagay ng pinsan ang mga palad sa ibabaw ng dibdib nito. "Ginagamit mo lang ako for clout and free advertisment." Madramang sabi pa nito.
"Okay lang iyan, free din naman ang meals ninyo dito kaya quits na tayo."
"Sabagay at saka worth it naman na ipagmalaki ang resto mo since ang sarap talaga ng foods. Speaking of food, hindi ba nagdala ako ng food from here during my last photoshoot?" Tumango siya. "Nagustuhan ng producers ang food kaya gusto niyang itanong kung okay lang ba na kunin niya ang ATPoint Resto for catering kapag mga shoots sila. I gave them your number and might call you anytime this week."
Nanlaki ang mga mata ni Gun sa sinabi ng pinsan, walang Sali-Salitang niyakap niya at pinugpog ng halik ang mukha nito.
"Ang swerte ko talaga sa inyo, salamat sa support New."