-25-

72 3 1
                                        

            KANINA pa tinatawagan ni Gun si Off pero ayaw pa rin nitong sagutin ang tawag niya, naintindihan naman niya na gusto nito ng time para makapag-isip siguro ay ibibigay niya sa lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANINA pa tinatawagan ni Gun si Off pero ayaw pa rin nitong sagutin ang tawag niya, naintindihan naman niya na gusto nito ng time para makapag-isip siguro ay ibibigay niya sa lalaki. Aayusin na muna niya ang dapat niyang ayusin.

Inaayos niya ang mga gamit sa sasakyan, nalaman niyang umuwi sa probinsya si Mild mula kay Win. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap ang mga kaibigan ng sarilinan though they talked through their chat group.

"Gun."

"New, anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka pa?"

"Sasamahan kita kay Mild."

"No need na, kaya ko ng kausapin si Mild. This is my problem."

"And your problem is also mine, I know you don't really need me but I want to be with you during your fight dahil ganoon ka rin sa akin. Para saan pa at naging pinsan mo ako?" New decided to quit the showbiz industry hindi dahil sa nangyari kundi dahil ayaw na talaga nito. Iyong sinabi nitong siya ang dahilan kung bakit ito pumasok at ngayon na wala na siyang interes doon ay aalis na rin ito. Hindi na ito magrerenew ng contract at tinatapos nalang ng pinsan ang ilang engagements at promotions.

"Wala ka bang gagawin?" Gun asked.

"Natapos ko na ang mga shoots at lahat ng mga engagements ko. Wala na akong schedule hanggang sa mag-end ang kontrata ko sa station."

"Sige, sakay ka na." Natutuwa siyang nagiging okay na ang pinsan niya. Habang nasa biyahe ay hindi napigilan ni Gun na kausapin ito. "Do you love him, New?" Hindi na niya kailangan pa na mag-name dahil alam nila ang tinutukoy niya. Mahina itong tumango. "Pareho silang tatanga-tanga ng kaibigan niya."

"At least tumino si Off at saka inayos niya ang sa inyong dalawa. Si Tay kasi mas lalo lang niyang sinira." Mapait na sabi nito.

"Cous, bakit hindi mo kaya pakinggan muna ang paliwanag ni Tay? Alam kong hindi na maibabalik ang lahat ng tiwala mo sa kanya, why not talk to him for closure? For peace of mind?

Nag-isang linya ang labi nito. "Ikaw ba napatawad mo na si Off?"

"Yes. Matagal na."

"Bakit hindi mo pa rin siya sinasagot?"

Doon napabuntong-hininga si Gun. "Napatawad ko na si Off pero may parte pa rin sa akin na nagdadalawang-isip kung bakit hindi pa ako ready. Iyon pala wala na sa kanya ang problema, you knew me masyado akong defensive sa mga bagay-bagay to the point na tinatago ko na sa loob ko. I'm the problem New, hindi pa buo ang tiwala ko sa kanya at may parte pa rin sa akin na may duda sa nararamdaman niya sa akin. Na-realized kong hindi ko dapat itinago ang lahat ng ito sa inyo, sa iyo, dahil sa ginawa ko ay naging insecure ako sa sarili ko depriving myself to love the person who really loves me. Pinahirapan ko ang sarili kong magtiwala dahil sa pagiging indecisive ko."

Best Mistake (OffGun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon