"SINO 'YON?" Pinatay ni Gun ang TV dahil may nagdo-doorbell. May malakas na bagyo ang tumama sa lugar nila kaya kailangan nilang magsara temporarily. Pagkatapos masabihan ang mga costumers nila ay pinauwi na rin niya ang mga ito at umuwi na rin siya. "Sandali lang."
Mabilis niyang binuksan ang pintuan at nagulat ng makilala ang taong nasa labas. Nagdugtong ang kanyang kilay. "What are you doing here, Off?" He wasn't expecting to see him. Halos dalawang linggo na rin noong huli silang nagkita.
"Let's talk Gun." Paos ang boses nito at basang-basa ng ulan. "Please, let's talk."
"Bakit ka basang-basa?"
"Nasira ang kotse ko habang papunta ako dito dahil sa baha."
"Sino ba kasi ang maysabi na pumunta ka dito? Hindi ba sinabi kong ayaw na kitang makita." Akmang isasara ni Gun ang pinto pero narinig niya itong bumahing. Inis na binuksan niya ang pinto ulit, paano ba maging matigas ang puso? "Tsk, pumasok ka na." Inis na sabi ni Gun dito. Ilagay mo sa mesa ang basa mong damit kukuha lang ako ng tuwalya."
Agad siyang pumasok sa kanyang silid para kumuha ng tuwalya at paglabas ay napasigaw si Gun dahil maghuhubad na sana ito ng slacks. "What the hell? Bakit ka maghuhubad dito sa bahay ko?"
"Ang sabi mo kasi hubarin ko ang basa kong damit." Ibinato niya dito ang tuwalya.
"Pumasok ka sa banyo." Turo niya sa banyo na katabi ng kitchen niya. Muli siyang pumasok sa kwarto niya at kumuha ng pwede nitong suotin. Mabuti nalang at maluluwang ang mga binibili niyang damit kaya siguradong may magkakasya dito. He even found an unused boxers na kakabili lang niya last month.
Kumatok siya sa banyo at sumilip naman ito para makita siya. "Magshower ka nalang diyan, may unused soap and shampoo diyan and here's some clothes you can wear." Ngumiti ito sa kanya.
Napaisip tuloy si Gun kung bakit niya ginagawa ito. "Tumatanaw ka lang ng utang na loob kay lola at kay Mild, Gun." Bulong niya sa kanyang sarili. Iniisip niya kung ano ang pwede niyang gawin para makaalis ito kaagad.
Tumataas ang lebel ng baha sa buong syudad dahil sa bagyong Diego, pinapayuhan ang mga mamamayan na lumikas sa matataas na mga building o makipagcoordinate sa inyong barangay...
Sumilip si Gun sa labas ng building at napabuntong-hininga. Halos lampas kotse na ang baha kaya imposibleng makauwi si Off.
"Uhm, Gun. Thanks for the clothes."
"May kaibigan ka bang nakatira dito sa building? If you have please contact her or him para doon ka na magpalipas ng bagyo."
"I don't have one." Nag-isang linya ang mga labi ni Gun.
"Malakas ang ulan sa labas at imposible k ang maka-uwi unless may yate kang pwedeng maghatid sa building mo."
"Can't I stay here?" Parang batang tanong nito. "I promise I won't do anything that will make you mad." He even raised his hand to show him a promise sign.
BINABASA MO ANG
Best Mistake (OffGun AU)
लघु कहानीGun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...