-17-

58 1 0
                                        

            WALANG ideya si Gun kung paano nangyari ang mga nangyayari ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WALANG ideya si Gun kung paano nangyari ang mga nangyayari ngayon. Ginising siya ni Off para sabihin na nakarating na sila sa place nito, inaantok pa siya pero sapat na ang minutong tulog para tuluyan siyang magising. Nagpaalam siyang uuwi nalang pagdating nila sa building nito pero umayaw ang kasama dahil masyado pang madilim at hindi safe ang paligid.

Malayo-layo pa sa lugar nito ang kanyang building at nakikita naman ni Gun na pagod na nga ito kaya hindi nalang siya nagpumilit. When they reached his penthouse ay hindi niya alam kung bakit siyang kinakabahan. Off asked him where he wants to sleep dahil marami naman ang silid doon, sinabi niyang sa tinutulugan nalang nila ng mga kaibigan niya kapag nandito sila.

He even mentioned that he still had one of his keycards na hindi niya naisauli kay Mild noong huling punta niya dito. For some weird reason Off's face suddenly lit up and said to keep it. Tinanong ni Off kung gusto ba niyang magshower, he gave him clothes to wear. Naligo na rin siya dahil ang lagkit ng pakiramdam niya.

Paglabas niya sa silid ay natagpuan niya si Off na naka-upo sa sala, nakaligo na rin ito at may dalawang tasang umuusok pa sa center table.

"I prepared milk. Let's drink before we sleep." He tapped the space beside him which he immediately occupied. Off gave him the cup. "Do you want to watch something? Pampaantok uli?" he nodded. He opened his TV and search randomly a movie sa Netflix. Tahimik lang silang dalawa habang nanonood.

"Gun."

"Off."

Nagkatinginan silang dalawa dahil sa sabay na pagbanggit ng kanilang pangalan and suddenly both burst in laughter. Just like that the wall between them, that thin wall Gun placed between them broke into pieces.

"I like this." Off said looking at him.

"Like what?"

"This atmosphere between us, I like this." True, he likes this too.

"Galit ka sa akin?" nagulat yata ito sa kanyang tanong.

"Hell, no. Bakit naman ako magagalit sayo? There's no reason for me to do feel that way." Eksaheradong sagot ng lalaki.

"Akala ko kasi galit ka dahil pagkatapos ng shoot kanina ay ang tahimik mo na." At hindi mo na ako pinapansin.

"I'm mad at myself, hindi sa'yo Bub." Gun's heart leap again when Off called him Bub. He also likes it. "Mas tamang sabihin na mas galit ako sa sarili ko."

"Why?"

Narinig niya ang mahinang pagbuntong-hininga ni Off. "Modelling." Tumaas ang kilay ni Gun. "You love it, I can see how your eyes sparks every time the cameraman asked for you to pose. You're good at it Gun, bakit hindi mo pinagpatuloy?"

Best Mistake (OffGun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon