-13-

73 1 0
                                        

MASAKIT ang ulo ni Off dahil sa late night celebration nila last night, nakiinom na rin siya habang naghahanap ng pagkakataon na makausap si Gun pero ayaw itong lubayan ng mga kaibigan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MASAKIT ang ulo ni Off dahil sa late night celebration nila last night, nakiinom na rin siya habang naghahanap ng pagkakataon na makausap si Gun pero ayaw itong lubayan ng mga kaibigan nito. Kung hindi si New ang palagi nitong katabi ay si Win naman. Today is the last day of their stay here pero walang progress na nangyari sa kanyang mga plano. Meron sana pero sinayang lang niya.

"Ang lalakas ninyong uminom tapos hindi niyo pala kaya." Sermon ng lola niya habang inihahain sa mesa ang mainit na kape at pang-almusal. Halos kompleto na sila sa hapag maliban sa taong gusto niyang makausap.

"Kumain na kayo at ng makapagpahinga, bibiyahe pa kayo mamaya."

"Sorry, I'm late." Finally! He's here. Napansin niyang natigilan si Gun ng makitang ang upuan sa tabi niya ang bakante. Wala itong choice maliban nalang kung—.

"Sir Gun, may naghahanap po sa inyo sa labas." Tawag ni Lily.

"Sino?"

"Si Chimon daw po."

"Si Chi? Sige, lalabas na ako." Kumunot ang noo ni Off ng makita ang pagliwanag ng mukha ni Gun. "Lola, mamaya na po ako magbe-breakfast kausapin ko muna si Chimon."

"Papadalhan ko kayo ng almusal sa may garden, Gun."

"Okay lang po, lola."

"Sino si Chimon?" Tanong niya sa lola.

"Anak ng dating kasambay natin si Chimon, naalala mo ba si Aling Marites?"

Umiling si Off dahil hindi naman niya hobby ang mag-alala ng mga tao. "Bakit niya nakilala si Chimon?"

"Chimon helped him find a ride para makabalik dito sa bahay." Hanggang ngayon ay tinatarayan pa rin siya ng pinsan niya. "Ang sabi ni Gun ay sa carenderia nina Chimon siya kumain noong iwanan mo siya."

"Mild." Sita ni New sa pinsan niya.

"Totoo naman." Pekeng ngumiti ito sa kanya. "Sabagay kung hindi dahil sa'yo ay hindi magkakakilala ang dalawang iyon. I never saw Gun welcomed a stranger easily until Chimon."

"Normal naman kay Gun na mag-welcome ng stranger lalo na kung malaki ang naging part niya sa buhay mo in a good way." Singit ni Fluke.

"Mabait na bata naman talaga si Gun." Sang-ayon ng kanyang lola. "Kahit ang mga kasambahay dito ay gustong-gusto siya."

"Iyon nga lang may twist." Ngumisi si Win. "Kung may ginawa kang hindi maganda at bad impression ka sa kanya siguradong hindi ka niya pabubuksan. Masyadong mapili si Gun sa mga kakaibiganin."

"Hindi ba masyado niyo namang binebaby si Gun?" Tanong ni Bright.

"Because he is our baby kung hindi mo siya kilala don't say anything against him dahil wala kang rights." Napakunot ang noo ni Bright sa sagot ni Win habang iyong ibang mga kaibigan nito ay biglang nasamid sa mga kinakain at iniinom.

Best Mistake (OffGun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon