Gun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WALANG ideya si Gun kung paano siya napapayag ni Mild at ng pinsan na sumama sa bakasyong iyon. Siguro noong sabihin ni Mild na kailangan nilang e-entertain ang grandparents nito habang hinihintay si Off.
Tama! Wala si Off doon dahil may meeting daw ito. Na-isip na rin niya na magbakasyon dahil parang natataranta siya kapag nasa ATPoint at bigla nalang itong susulpot. Ganoon din kapag nasa labas siya, his anxiety is killing him alive and he needs a break. He needs a vacation and this is the best gateaway for him. Aalis nalang siya a day before he comes home.
"Mild!" Napangiti si Gun nang marinig ang boses ng lola ni Mild.
"Lola! I missed you." Tumakbo ang lola ni Mild papunta dito at ganoon din ang huli pero lumihis lang ang matandang babae at yumakap sa kanya.
"Na-missed kita Gungun." Gun chuckled.
"Pambihira, umasa pa ako." Reklamo ni Mild. "Bakit ba kasi hindi mo nalang ako pakasalan Gun para legal ka ng maging Adulkittiporn."
"Naku, Mild. Huwag ka ng umasa, hindi ka type ni Gun." Biro ni Coo. "Pang-bestfriend ka lang talaga." Sanay na sila sa mga usapan na tulad nito.
"Kung ayaw mo kay Mild, Gun. How about my other apo?" Kumunot ang kanyang noo. "Gwapo si Off." Muntik nang mabulunan ng laway si Gun sa sinabi nito.
"Hay naku, lola. Huwag niyo na pong i-insist dahil wala po kayong mapapala kay Gun. Kahit ibenta niyo pa ang pinakagwapong lalaki o pinakamagandang babase sa kanya o ibigay ng for free ay wala talaga iyang type." Singit ni Newwie. Kumalas siya ng yakap sa lola at hinayaan na yakapin nito ang mga kaibigan.
"Kumain na muna kayo ng pananghalian, ipinaghanda ko kayo pagkatapos ay magpahinga na muna. Tutulungan kayo ng mga katulong na pumunta sa mga silid ninyo mamaya." Malaki ang ancestral house ng pamilya ni Mild. Sa katunayan ay isa-isa ang kwarto nila kapag bumibisita doon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bumabaha din ng pagkain at malamig ang simoy ng hangin na kahit hindi na mag-aircon ay makakatulog ng mahimbing. Mula sa second floor ay makikita din ang dagat na ilang metro lang din ang layo mula sa mansyon.