Gun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAKA-UPO si Gun sa high chair na nasa may counter na hawak na beer sa kamay habang pinagmamasdan ang mga kaibigan na lasing at nagsasayawan sa dance floor. Natawa nalang siya sa mga kinikilos ng mga ito, there's New banging his head in the hair while Mild is dancing wildly behind him. Malapit lang din si Coo na may kasayaw na matangkad na lalaki at si Fluke na ganoon din.
"Ayaw mong magsayaw?" Untag ni Win sa kanya, non-showbiz friend nila ito at may-ari ng club.
"At magwala? No, thanks. I know my role in this friendship." Natatawang sabi niya sa kaibigan na tumabi na sa kanya.
"Ikaw ang pinakamaliit sa kanila pero ikaw din ang naging tatay ng mga kaibigan natin."
"Mas matatanggap ko na maging tatay nila keysa sa tawagin mo akong maliit. I'm not that short, higante lang talaga kayo and besides hindi nagkakalayo ang agwat ng height namin ni Coo at ni Fluke." Depensa niya sa kanyang sarili na ikinatawa lang din ni Win.
"You are really cute Gun malamang kung natuloy ang pag-mo-model at artista mo siguradong magiging national baby ka ng Pilipinas."
"Kanina tatay tapos ngayon baby, ano ba talaga Win?" Biro niya.
"You can be both. Pwede naman ako ang magbantay sa kanila while you enjoy, may private place din ang club in case hindi na talaga kayang umuwi."
Umiling siya. "It's okay, i'm fine. Masaya naman akong nakikita silang nag-eenjoy at saka nasa akin ang keycard ng penthouse ng pinsan ni Mild. Sigurado akong bukas ay sasakit ang ulo ng mga iyan kaya kailangan kong magluto ng kakainin nila."
Tinapik siya ni Win sa balikat. "Sa kakaganyan mo baka hindi ka na talaga madiligan."
He just shrugged his shoulder. "Wala naman akong interes na madiligan."
"Atthaphan, naririnig mo ba ang sarili mo? Huwag mong sayangin ang genes mo, the world deserves to know how amazing you are."
"Alam mo Win nakakadiri ka minsan, bakit parang alam mo ang lasa ko?" Pabirong niyakap niya ang sarili.
"Hindi tayo talo, Gun."
He chuckled. "Ay oo nga pala, may nililigawan ka nga pala. Sino nga uli iyon? Si Bright?" Ngumisi si Win.
"My attorney Bright." Sa madilim na paligid ay halata ang pamumula ng pisngi ng kausap na kinikilig.
"Alam ba ng attorney na iyan na nag-e-exist ka?"
"Of course, hindi ako araw-araw na nagpadeliver sa kanya ng food from your resto para lang sa wala. By the way, dagdagan mo ng dessert ang meals niya."
"Baka naman hindi niya kinakain."
"Ang importante ay may nagpapakain sa kanya at ako iyon." Napabuntong-hininga nalang si Gun sa kagagahan ni Win. Matagal na nitong crush ang abogadong mas malamig pa sa yelo at hindi naman talaga ito pinapansin.
"Ano ba!? Bakit mo hinahawakan ang kaibigan ko?" Sabay silang napatingin ni Win nang marinig ang sigaw ni Coo. "You jerk! You are bastos." Kumunot ang kanyang noo, nasa likod ni Coo at Fluke si Mild na umiiyak habang kaharap naman ni New ang isa pang matangkad na lalaki. Hindi hamak na mas matangkad pa sa kanila.
"I didn't! It was an accident." Lumapit sila ni Win sa pwesto ng mga ito.
"Anong accident? Hinawakan mo siya sa pwet!" Galit na sabi ni New.
"Look, the place is crowded. Hindi ako nambabastos ng babae—."
"Josh?" Win called the tall guy. "Oh my, anong nangyari dito? Bakit umiiyak si ?"
Josh? "Win, it was really an accident I swear." Napatingin siya sa lalaki, hindi lang ito matangkad may hitsura din ito.
"Kilala mo 'to Win?" Napasapo nalang si Win sa ulo sa tanong ni New.
"New, he's my older brother." Doon lang tila napayapa ang mukha ng mga kaibigan. Bumaling ito sa kapatid. "Talaga bang hindi mo binastos ang kaibigan ko Josh?" Itinaas ni Josh ang magkabilang palad.
"I promise, it was really an accident. Papunta na ako sa inyo ng aksidente kong mahawakan ang kaibigan mo. Tiningnan nila si Mild na lasing na rin. "I won't take advantage of a drunk person even if they'll give me consent.
Take advantage of a drunk person even if they'll give me consent.
Mapait ang alak na iniinom ni Gun pero mas mapait ang alaalang muling bumalik sa kanya nang marinig ang sinabi ni Josh. Kung sana ay hindi siya nagpakalasing ng ganoon at kung sana ay hindi siya nagbigay ng consent, baka hindi nangyari ang bagay na iyon.
"Miss, I'm really sorry. It was just an accident." Suminok si Mild.
"O-okay." Bumalik ang isip ni Gun sa mga kaibigan sa sagot ni Mild.
"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo guys, alas dos na ng madaling araw at lasing na kayo. Kailangan niyo ng magpahinga." Yaya niya sa mga kaibigan.
"Ihahatid ko na kayo." Presenta ni Josh.
"No need Josh, pwede naman akong magdrive dahil hindi naman ako lasing. May dala din kaming sasakyan but I'll appreciate if tutulungan niyo akong dalhin sila sa sasakyan dahil parang hindi ko kakayanin ang apat."
"Sure."
"Wait lang, bibilinan ko lang ang manager para samahan kayo sa parking." Paalam ni Win. Inalalayan na nila ang mga kaibigan niyang lasing, una niyang hinawakan si Mild na naka-pout at nakatingin lang ng masama kay Josh.
"Mild, chill lang." He whispered to her.
"Gunnie bear, I'm hilo na."
"Halata nga, come on uuwi na tayo."
"You cook soup, yummy yummy soup tomorrow."
"I'll buy the ingredients tomorrow para pagkagising ninyo ay kakain nalang kayo." Mild just giggled and put her entire weight on him.
"Lablab Gunnie." He giggled when Mild hugged her tightly. Pagkatapos nilang isakay ang apat sa kotse niya ay nagpasalamat at nagpaalam na siya sa magkapatid. Pahirapan nalang ang pagdala ng apat sa loob ng penthouse mismo, sana ay makayanan niya.
It took him ten minutes to reach their destination, hindi pa tulog ang mga ito dahil kung anu-anong pinagsasabi nila habang nasa biyahe.
"Guys, makakalakad pa ba kayo?" He asked as he turned off his car's engine. Nasa parking lot na sila ng condominium. "Dadalhin ko pa kayo sa penthouse."
"Kaya ko pa Gun, medyo nahimasmasan na ako." Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi ni New. Madali itong malasing pero mabilis din itong magsober up. "Ako na ang bahala kay Coo and Fluke. Ikaw na ang bahala kay Mild."
Nahirapan silang pasakayin ang tatlo pang lasing sa elevator dahil nagsisigaw ang mga ito ng kidnapping tapos tatawa lang. Mabuti nalang at tinulungan din sila ng guard, nakakapag-isip pa naman si New pero hirap itong maglakad lalo pa at ang likod ng dalawang alalay nito.
"Matulog muna tayo guys, hindi ako lasing pero nakakapagod kayong apat." Reklamo niya. He heard them chuckled at nagdidikit na nang makahiga sa kama. Guestroom lang iyon pero malaki na, king size din ang bed kaya nagkasya ang apat. Nailing nalang si Gun at nagpasyang humiga sa sofa na nandoon din sa silid.
Ilang beses na siyang nakatulog dito, may apat na room ang penthouse, ang sabi ni Mild ay ang guestroom ang pangalawa sa pinakamalaking room after the master bedroom na ayaw papasukan ni Mild dahil sa pinsan daw nito iyon.
Napahikab si Gun at tuluyan nang ipinikit ang mga mata. He's really tired.