Gun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...
TININGNAN lang ni Gun ng masama si Off ng lagyan nito ng pagkain ang kanyang plato na naging dahilan kung bakit napatingin sa kanila ang lahat ng tao sa hapag kainan. Pasimpleng sinipa niya ito sa binti pero hindi naman ito nagreklamo sa halip ay mas lumaki pa ang ngiti nito kasabay ng pagwala ng mga mata nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
He looks cute when he smile... what the hell Gun? Don't trust the guy!
"You want more?"
"Kaya kong kumuha ng pagkain ko." He felt uncomfortable.
"Baka kasi hindi mo abot, medyo maiksi din pala ang mga braso mo." Nasamid si Mild sa kinakain sa komento ng pinsan nito. Habang ang mga kasama niya ay hindi rin napigilan ang pagtawa. Asar na sinipa niya ito sa binti pero ang hudas, naka-iwas lang kaya mas lalo siyang nainis.
Isang pekeng ngiti ang ibinigay niya dito. Gusto pala siya nitong lagyan ng pagkain sa mesa, eh di susulitin niya.
"I want the pancake and my short arm can't reach it, can you please get it for me?" Pa-sweet na tanong niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sure, ba—Gun." Tumayo ito dahil nasa malayo ang pancake. Nakangiting kinuha niya ang serving plate at pagkatapos ilagay ang pagkain at eksaktong napaupo ito ay ibinigay niya ang plato dito. "Please, ibalik mo sa original position baka gusto pa nilang kumain."
"My pleasure." Ngumisi si Gun. Hindi lang pancake ang pinaabot niya dito, lahat ng mga pagkain na nasa malayo ay sinadya niyang ipakuha ng hindi lang isang beses kundi maraming beses dahil kailangan din naman niya ng refill. Gusto lang niyang matawa ng malakas nang mapansin na naiinis na ito at nahahalata na nitong pinagti-tripan na niya ito.
"Kayong dalawa na may sariling mundo diyan, naduduling na ako kay Off paupuin mo na siya Gun ang sakit na ng ulo ko." Reklamo ni Fluke.
"He can say no naman." Patay malisyang kinagatan niya ang watermelon na kakabigay lang nito. He loves watermelon at sobrang tamis ng nakain niya.
"Bakit mo pinatigil Fluke? Natutuwa akong pinahihirapan ni Gun si peng." Reklamo ni Tay.