Gun made the worst mistake of his life two years ago na labis niyang pinagsisihan dahil nagbago ang mga plano niya sa buhay. Pero mas may isasama pa pala dahil makalipas ang dalawang taon ay kaharap niya ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakama...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"UHMM... guys."
"Kapag talaga sinaktan ka ni Off kakalbuhin ko siya wala akong pakialam kung mawalan man ako ng trabaho." Gun chuckled when he heard his cousin's overprotective whisper.
"Thank you guys for giving Off a chance to prove himself."
"Noong una ay hindi talaga ako naniniwala na kaya ni kuya na magbago pero noong inaway niya ako sa house namin naantig ang puso ko. I never saw him so serious." Sabi ni Mild. Ito lang ang hindi nag-confront kay Off dahil nauna na pala ito. "He changed, he didn't change himself before pursuing you. So far, simula noong dumating siya sa bansa ay wala na siyang dine-date na babae. Ang trips lang niya ay sa ADUL hotel, ATPoint, penthouse niya at condo mo. Kung may lakad siya somewhere most of the time those are meetings o kaya naman ay sa new site ng hotel with his colleagues."
"Pina-imbestigahan mo ang pinsan mo Mild?" Gulat na tanong ni Win.
Mild flipped her hair. "Of course, he is courting my first love." Napaubo si Gun sa sinabi nito. "And my bestfriend, kung matinong lalaki lang sana si kuya before ibinigay ko na agad si Gun sa kanya kaso medyo hindi kaya I need to be careful. Ayokong majeopardized ang friendship natin dahil sa kadugo ko."
"You'll choose Gun over Off then?"
Mild shrugged her shoulder. "I'm gonna choose who's right hindi dahil friend or kadugo ko sila." Napangiti si Gun. Isa sa kinatatakutan niya ay malaman ni Mild ang dahilan kung bakit nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Off two years ago. Napag-usapan na nila ni Off iyon, he wanted to hide it as much as they can. Kapag nalaman ni Mild ang nangyari sigurado siyang masasaktan at sisisihin nito ang sarili nito. May posibilidad din na magalit si New dito and he doesn't want his other friends to take sides. Wala naman kasi silang kasalanan sa nangyari and besides he already moved on... right?
"You like him, Gun?" Nakatikwas ang kilay ni Fluke. "Like? Love?"
"Love." Mabilis na sagot ni Gun na namumula. "I don't know, I just— I don't know feel this way for him."
"I never thought that Off is your type, Gun. Well, wala ka naman talaga sinabing type sa amin. Na-shocked talaga kami." Si Coo na abala sa pagkain ng ice cream nito. "Hindi nga namin alam kung ano talaga ang orientation mo, it doesn't really matter anyways."
Totoo ang sinabi ng mga ito, bihira lang siyang magka-crush kung minsan ay artista pa nga. Noong nagtapat si Mild sa kanya ay tinawanan lang niya ito at magalang na ni-reject dahil sa ginawa niya ay naging magbestfriends sila. Wala din talagang nagtangka na lapitan siya after Mild, si Off nalang. Tangina, magpinsan pa talaga!
"I also don't know, noong una ay hindi ko naman talaga siya gusto pero noong tumagal na ay na-e-enjoy ko na ang company niya. He's really sweet and caring." Hindi napigilan ni Gun na mapangiti. "Clingy din minsan at sobrang haba ng pasensya niya."