12 STEM 02

37 0 0
                                    

Apat na sulok
Kwadradong pook
Samo't saring lungkot
Ngunit kasiyaha'y inaalok.

Makabuluhang pagsasama
Sana'y maulit pa
Natapos na ang sampung buwan
Pero alaala nati'y mananatili kinabukasan

Sa bawat asaran
May kalakip na tawanan
Sa bawat pag-iingay
May kaakibat na karamay

Bayanihan t'wing may test at exam
Kaya bukambibig "pasensya na ma'am"
Magkakapatid sa silid-aralan
Kaya naman si ma'am wagas kung alagaan

Suportado niya kami palagi
Noong cheerdance nasa harap siya't naka-ngiti
Si ma'am nga pala, ang pangalawa naming ina
Gumabay sa'min hanggang sa kami'y nagsipag-tapos na.

to be continued

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon