For Mr. AzJ271991

83 1 0
                                    

Ang shades mong kulay itim
At mga titig kong palihim
Siyam na hakbang ang ating pagitan
Pero takot akong ika'y lapitan

Mula sa letrang "C" patungong "A"
Mga tingin ko'y iyong nahuli
Nagkulay rosas ang aking pisngi
Kasabay nang iyong pagngiti

Lumakad ka papalapit sakin
Binalewala ang kanilang iisipin
Labis akong nasiyahan
Nang kamay ko'y iyong hinawakan

Titig na titig ka sa aking mga mata
Na tila ba isa akong bagay na mahalaga
Mga ngiti mong umabot hanggang tenga
Dahilan kung bakit ako'y naging tanga

Lalaking naka-shades ng kulay itim
Tinititigan ko pa rin hanggang sa dilim
Pangalan mong binuo ng pitong letra
Gusto na kita, sobra-sobra

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon