PAGSUKO

450 10 3
                                    

Minsang nasaktan
Sa panahong hindi inaasahan
Pag-ibig na pilit nilimot
Sa taong nag-iwan ng poot

Damdamin ay nahimlay
Sa pag-ibig na hinintay
Panahon ang siyang hadlang
Sa pag-iibig na walang hanggan

Ang isiping hindi kayo para sa isa't isa
Ang siyang dahilan kung bakit ka mag-isa
Ang dating pagsuyo
Ay nauwi sa isang pagsuko

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon