Huwag kang Bitter

250 5 0
                                    

Minsan na akong nagmahal
Minsan na rin akong nagsaktan
Ang pag-ibig kasi'y banal
Dahil ito ang ating pinagmulan

Kahit ilang ulit man nila tayong saktan
Patuloy tayong babangon at lalaban
Dahil sa bawat sakit na ating mararanasan
Matututo tayong maging matapang at mamulat sa kaalaman

Hindi tayo dapat magalit sa taong nanloko at nang-iwan satin
Malay natin may ibang nakalaan para satin
Kaya kailangan natin silang pakawalan at tuluyang limutin
At isiping minsan na rin silang dumaan at minahal natin

Huwag nating sarilihin ang sakit
Andyan ang mga kaibigan at pamilya natin na handang magmalasakit
Huwag kang magpaka-ampalaya
Bagkus ay palayain mo siya

#HuwagKangBitter
Created by: AneehSon Lee

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon