Gitara

203 3 0
                                    

Ayoko na sayo
Dahil nagmumukha akong gago
Nakakatamad kang kasama
Lagi akong nangangapa

Sinubukan kitang intindihin
Ngunit hindi ko kayang gawin
Gusto na kitang iwanan
Pero lagi akong naguguluhan

Naiinis ako kapag hawak ka ng iba
Kaya pinilit kong matutunan ka
Tinugtog kita hanggang sa nalaman ko na
Masaya pala sa pakiramdam ang tumugtog ng gitara

to be continued...

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon