Sa dulo ng letrang "n"

551 5 0
                                    

Nakilala kita sa hindi inaasahan
Nahulog ako sayo nang hindi ko nalalaman
Inibig kita nang madalian
Puso'y duguan nang ako'y iyong iniwan

Sinaktan mo ako nang dahan-dahan
Pinaiyak mo ako nang mabilisan
Pinaglaruan mo ako nang walang kalaban-laban
Iniwan mo ako nang walang dahilan

Pinilit kitang kalimutan
Dahil sawa na akong masaktan
Pinilit kitang baliwalian
Dahil hindi na kita kayang mahalin

Nakalimutan ko na ang nakaraan
Lalo na ang ating pinagsamahan
Malaya na akong magmahal nang sinuman
At malaya na rin akong makatagpo ng pag-ibig na walang hanggan

Salamat sa pag-ibig mong lumisan
Sa pagmamahal mong minsan ko lang naramdaman
Sa puso mong minahal ako kahit minsan
Sa presensya mong minahal ko nang lubusan

to be continued...

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon