Panulat

358 6 0
                                    

Isang pirasong bagay

na kayang magbigay

nang kwentong panghabang-buhay

na mag-iiwan sa mundo mo ng kulay.

Alam kong baka hindi ko ito kayanin dahil sobrang hirap

Pero 'wag kang mag-alala patuloy akong magsisikap

Para sa magiging buhay natin sa hinaharap

Upang hindi na natin kailangang magpanggap.

Ang nararamdaman ko para sayo ay sobrang gaan

na akala mo ay pweding mahigaan

Ang pag-ibig kong ito ay walang katapusan

at ipapangako kong magiging walang hanggan.

'Wag ka na sanang mangamba at manghinala

baka isipin nilang isa itong himala

Kaya sana 'wag kang mawalan ng tiwala

Dahil ang puso ko'y hindi ka kayang ibalewala.

Ikaw ang tanging dahilan kung ba't ko 'to naisulat

Sa sobrang pagmamahal ko sayo, ako'y namulat

Na kapag ang tao'y nagmahal gagawin at hahamakin ang lahat

Kaya titulo ng tula kong 'to ay PANULAT.

#PANULAT
Created by: AneehSon Lee

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon