I Love You Sir

70 0 0
                                    

Special Someone:

Nakasuot ka ng unipormeng kulay puti
Ngunit titig mo pa lang ako'y napapangiti
Habang nakikita kitang naglalakad
Kulay ng mundo ko'y tumitingkad

Hindi ko alam kung kailan nagsimula
T'wing lumalapit ka, mukha ko'y namumula
Kinikilig t'wing binibigyan mo ako ng pansin
Napapa-indak sa simple mong pagtingin

Tatlong letra, isang salita ang tawag ko sayo
Tatlong letra na hanggang dun lang ako
Nababaliw ako t'wing ika'y nasa malapitan
Gusto kitang yakapin at 'di na pakawalan

Sir! Bakit ba ang gwapo mo?
Bakit bumibilis bigla ang tibok ng puso ko?
Dahil ba may pagtingin ako sayo?
O baka naman matagal na talaga kitang gusto?

Nakakatawa man ang tulang ito
Kikiligin pa rin ako hanggang dulo
Kaya nga I love you sir ang titulo
Kasi nahulog na ako sa unang titig mo

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon